"Gago, sino ba yung babaeng 'yun, nakakapikon!" Reklamo ko kanila Marcus.
"Aliyanna nga diba! Hindi kasi nakikinig." Aniya naman ni Marcus habang nagbabasa ng magazine.
Napatingin ako kay Buddy na lutang ngayon, sino ba naman kasing nasa matinong isip ang maglalagay ng asin sa kape?
"Buddy, siguradong maalat kape mo!" Sigaw ko naman kaya nabalik siya sa ulirat niya at napatingin sa hawak niya at agad naman siya nagulat.
Oh diba, lutang talaga.
I'm sure nagwapuhan talaga yung Aliyanna na yun sa'kin.
"Ely! Bakit mo ba ko dinala dito?" Tanong naman ni Toyang habang hila-hila ko siya papunta sa karinderya, nakita ko si Yanna kaya agad kong inakbayan si Toyang.
"Chill ka lang, kakain tayo." ani ko naman kaya napangiti si Toyang.
I pretty much enjoyed seeing Yanna pissed off dahil sa amin ni Toyang, yung totoo bitter lang talaga siya 'no?
"Pre sasapakin na talaga kita, ano bang ikinagagalit mo dyan?" Tanong naman ni Rayms.
"Tangina, sino ba yung Josh na 'yun? Akala mo naman gwapo kung maka-asta!" Asik ko at padabog na umupo.
"Ayan! A taste of your own medicine!" Aniya naman ni Marcus.
Napakunot naman ang noo ko.
"Lagi mo kasing inaaway si Yanna kaya ayan napapala mo! Seloso." Aniya ni Marcus.
'Lul, ano naman kinalaman nun kay Yanna, naba-badtrip lang talaga ako kapag magkasama sila nung lalaking yun, paraparaan pa!
"Tangina wasted!" Ani ko nang makita sila Yanna na ngayon ay tulog sa tabi ni Mela.
"Please Ely hindi ko talaga sila kayang iuwi sa dorm" Pakiusap naman ni Mela.
"Oh sige sige, Makoy pumara kayo ng taxi bilis!" Utos ko naman kay Marcus habang nakatingin sa kanila.
"Wow may pang taxi ka?" Tanong naman ni Marcus.
Shit wala na kong allowance pang bili ng tuner para sa gitara ko, hayst bahala na!
"Gusto mo bang maglakad papuntang dorm?" Sarkastiko namang tanong ko sa kanya.
"Eto nma nga, papara na" Aniya at lumabas na.
Akmang bubuhatin na ni Buddy si Yanna ng pigilan ko siya.
"Si Shirley tulungan mo, ako nang bahala ka Yanna" Ani ko at binuhat na si Yanna ng pa-bride style.
'Shit ang bigat! Ano bang kinakain neto'
Agad naman kaming sumakay sa pinara na taxi ni Marcus at syempre katabi ko si Yanna. Mukha naman siyang payapa habang natutulog, she looks indeed an angel, sinuportahan ko naman ang ulo niya para hindi siya mauntog.
"Napaka sweet naman hijo, wag ka na sana papakawalan ng girlfriend mo" Aniya naman ni Manong driver.
Girlfriend? si Yanna?
"Nako hindi niya po syota yan, more on mortal enemies po sila" natatawang wika naman ni Marcus kaya natawa rin si Manong.
"Ganun ba? Baka pag naging pasahero ko ulit kayo malalaman ko na lang na girlfriend mo na yan hijo" Kantyaw naman ni Manong.
"Malabo po..." Ani ko habang nakatitig kay Yanna.
'Malabo nga ba talaga?'
Napasandal naman ako sa balikat ni Yanna.
"Huy deputa ka, baka makita tayo ni Vicky, magselos pa yun" Aniya at pilit akong itinataboy.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...