Reto
B u d d y
Parang tanga naman si Marcus, talagang hinila pa si Yanna sa dance floor. Ayan tuloy, hindi naman sila makita.
"Oh, bakit parang pinag-bagsakan kayo ng langit at lupa?" Tanong naman ni Ely.
"Hayup kasi 'yan si Makoy, hinila iyang lasing na si Yanna papuntang dance floor." Frustrated na saad ni Rayms kaya natawa naman si Ely.
"Teka andito si Yanna?!" Tanong ni Ely.
Tsk, puro tanong na lang si tukmol.
"Ay hindi! walang hinila si Marcus, syempre nandito." sagot ko naman
"Nasaan pala si Vicky?" Tanong naman ni Rayms.
"Wala, umalis na yata kasama ng mga kaibigan niya!" Saad naman ni Ely.
"Tara na nga baka kung anong gawin ni Marcus kay Yanna!" Suggest ni Rayms.
Agad naman naming hinanap sila Yanna at Marcus, medyo crowded ngayon kaya siguro hindi namin sila makita.
"Buds, ayun!" Sigaw naman ni Rayms.
"Tang ina patay tayo, lasing talaga itong dalawa." Saad naman ni Ely.
"Ligaya!" Sigaw naman ng isang babae, si Yanna ata yung hinahanap.
"Ligaya!" Sigaw niya sabay lapit kay Yanna.
"Kahit kailan hindi na talaga kita pagkakatiwalaan, sabi mo mag-cr ka lang tapos nandito ka naman pala!" Saad nitong babae
"Shirley, 'wag kang epal sumasayaw ako!" Sigaw naman ni Yanna.
Lumapit naman si Marcus kay Shirley.
"Hi! Marcus nga pala." Saad naman ni Makoy.
Gago talaga, lasing na nga nang chi-chicks pa.
"Shirley." Saad naman nung babae.
"Halika na Shirley, 'wag ka nang humarot!" Sigaw naman ni Yanna
Ang ending hinatid namin sila Yanna kasama yung mga ka-dorm niya sa dorm nila, tang ina nito ni Marcus nagsusuka pa rin hanggang ngayon.
————
Y a n n a
"Punyeta!" sigaw ko naman habang nakahawak sa ulo ko kaya binato naman ako ni Julie nang unan.
"Tang ina manahimik ka, Yanna!" Sigaw naman ni Julie.
"Pano tayo nakauwi?" Tanong naman ni Shirley.
Oo nga, paano nga ba kami naka uwi?
"Hinatid tayo nila Ely." tipid na sagot ni Mela at inilagay sa mesa namin yung kape.
Umupo kaming tatlo at halata naman na wala kaming maalala sa sobrang kalasingan.
"Ayan, inumin niyo na 'yan habang mainit pa." Saad naman ni Mela.
Ininom namin ang kape na gawa niya hanggang sa nawala na ang sakit ng ulo namin. Nagpahinga na lang ulit ako at nagbasa ng libro.
Bigla naman may kumatok, pagkabukas ko ay bumungad sa akin sila Buddy.
————
Nandito ako ngayon sa dorm nila Ely. Ewan ko ba sa kanila, inaya lang ata ako nito para dito na lang sa dorm nila maburyo.
"Hoy, ito na." Saad naman ni Rayms, dala-dala niya yung pagkain at nilagay niya sa lamesa.
"Yun." Saad naman nila at sinimulan na nilang chumibog.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...