Karinderya
Y a n n a
Kakatapos lang ng klase ko kaya napagdesisyonan ko na lang dumiretso sa library para hingin ang opinion ni Buddy sa ginawa ko.
"Yanna!"
"Ay palaka!"
Agad ko namang naibato ang notebook ko at saktong na tumama ito kay Felix.
"Hala! tangina sorry, 'wag ka kasing mang gulat!" Inis na saad ko naman.
"Nakasalubong ko si Buddy sa library, pinapasabi niya na duon ka na daw dumiretso." Saad naman niya.
"Ay sige, thank you." Saad ko naman at pumunta na dun.
Nang makapasok ako ng library ay agad kong nakita si Buddy at nang makita niya ako kay kumaway siya kaya agad naman akong naupo sa tabi niya.
—————
R a y m s
Nandito kami ngayon sa library, syemore kailangan namin bantayan si Yanna at ang manok ko. Kumuha lang kami ni Marcus ng libro ay pinangharang sa mukha namin para hindi nila kami makita.
"Mukhang nage-enjoy yung manok mo 'ah." Saad naman ni Makoy.
"Aba syempre! na solo niya si Yanna ngayon." Saad ko naman habang abala pa rin sa pagtingin kanila Yanna.
Bigla namang hinawakan ni Buddy ang kamay ni Yanna dahil sa pagkuha niya ng papel sa may tabi ni Yanna.Aba, para-paraan 'ah.
"Three points." Saad ko naman.
"'Wag kang pakampante, sinasabi ko sayo makakabawi din yung alaga ko." Saadi naman ni Marcus.
Hinintay namin silang matapos mag-aral at nang makita naman naming palabas na sila ay agad naman naming silang sinundan hanggang sa makaabot sila sa isang karinderya. Sakto, nakita ko naman si Julie na nakaupo dito. Ang ganda niya talaga niya. Akmang pupuntahan ko na siya nang bigla naman akong pigilan ni Marcus.
"Oh, saan ka pupunta? mamaya mo na lapitan alalahanin mo yung mission natin baka kung anong gawin ng alaga mo." Pagbabanta naman ni Makoy.
"Ikaw muna mag-bantay, promise mabilis lang ako." Saad ko naman.
Binitawan naman ni Marcus ang damit ko kaya lumapit naman ako kay Julie.
"Uy Julie! nandyan ka pala." Saad ko naman.
"Hindi nasa dorm pa ako, malamang nandito na ako." Inirapan naman niya ako.
Tsk, kung hindi lang kita gusto.
"Ano pa lang ginagawa mo dito?" Tanong ko naman.
"Kakain ikaw ba?" Tanong naman niya.
"Kakain din." Sagot ko naman.
"May kasama ka ba?" Tanong naman niya.
Nilingon ko naman si Marcus na busy sa pagtingin kanila Yanna.
"Ah wala." Saad ko naman.
"Sabay na tayo." Saad naman niya.
Teka totoo ba ito? sasabayan ko si Julie kumain? kung panaginip ito 'wag niyo na lang akong gisingin.
"Julie, kurutin mo nga ako." Saad ko naman.
"Huh? Bakit?" Curious na tanong naman niya sa akin.
"Basta kurutin mo na lang ako." Utos ko naman kaya agad niya akong kinurot.
"Aray! totoo nga."
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...