Y a n n a
Welcome to Candelaria
Halos abutin kami ng isang oras dito kakahintay maayos yung jeep at mahigit isang oras nadin nagsusuyuan sila Marcus at Shirley
Naka-upo ako dito sa loob ng jeep wala din akong gagawin ehh
"Hoy Yanyan ba't ka nagmumukmok dyan?" Tanong naman ni Mela
"Wala namang gagawin ehh" sagot ko naman
"Haynako ang tagal naman nila Ely" pagrereklamo naman nya
"Talagang matatagalan yun sa layo ba naman ng tinuro ni Manong at sa bagal maglakad ni Buendia talagang matatagalan yun" sagot ko naman
"Speaking of the devil" sagot naman ni Mela
Napatingin naman ako sa labas
Anak ng- ang galing talaga ehh may pakaway kaway pa tong Buendia na 'to akala mo kung sino
"Yo watzup" sabi naman ni Buendia ng makalapit samin napailing nalang si Buddy
"Yo watzup mo mukha mo ano't may pakaway-kaway ka pa dyan?" Tanong ko naman
Ngumisi naman sya
"Basta balang araw sisikat ang banda namin!" Sigaw naman nya
Sinapok ko naman sya
"Langya ka talaga pinagtitinginan na tayo oh" sagot ko naman napatingin naman sya paligid at tumingin ulit saken
"Wala akong pake" sagot naman nya
"Aba-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilagay ni Ely sa labi ko ang daliri nya
"Shh wag ka nang madaming dada" sagot naman nya
Tinanggal ko naman ang daliri nya at pinaghahampas sya
"Tangina mo Buendia papatayin talaga kita tangina yang daliri mo may bahid pa ng langis halika rito sasakalin kita!" sagot ko naman at hinabol sya
Bigla namang may nagbuhat saken
"Hoy!" Sigaw ko naman
"Lika na ayus na yun Jeep" sagot naman ni Buddy habang buhat-buhat parin nya ko
Sumunod akong pumasok at umupo sa tabi ni Shirley
Nakita ko namang papasok na si Buendia at uupo sa kabilang side kaharap ko nang makaupo sya habang wala pang nakakapansin sa'min ay sinipa ko sya ng pagkalakas lakas
"Aray puta" sagot naman ni Buendia at kinapitan ang paa nya ng tinignan nya ako ay ngumisi lang ako sa kanya
Umupo naman sa tabi nya si Marcus
"Nanyare sayo?" Tanong naman ni Marc us kay Buendia
"Ayan oh kaharap mo naninipa kala mo kabayo" sagot naman nya.
"Nangbibintang kaba? Lakas mong mang insulto ikaw nga napaka kapal ng mukha mo" sagot ko naman
Iimik pa sana sya pero inunahan ko na sya
"Ano pikon kana?" Tanong ko naman at ngumisi sakanya di naman sya makaimik tawa lang ng tawa si Marcus
"Walang sinabi manok ko sayo Yanna" sagot naman ni Marcus sabay tawa
"Tigil-tigilan mo ko dyan sa manok manok na yan sinasabi ko sayo Marc hindi ka sasagutin nito" sabi ko at tinuro si Shirley na kanina pa masama ang tingin kay Marc
"Uy gago wag" sabi nya at nagpeace sign
Di ko na sila pinansin buong biyahe
~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...