Y a n n a
Makahulugang ngiti
Ang aga ko ngayon nagising dahil ngayon na kami papuntang Naga para sa sembreak. Si Shirley naka-upo pa sa kama niya habang nakapikit. Agad naman akong lumapit sa kanya at ginulat siya.
"Tokwa't baboy lumipad—hayup ka talaga Ligaya!" Sigaw naman niya.
Tinawanan ko lamang siya at nag-almusal na kami.
"Excited na talaga ako!"Julie squealed.
"Ako rin!" Masayang saad naman ni Mela.
Nang matapos kaming kumain ay naligo at nag-ayos na kami ng aming sarili. Nagpantalon at camisole top na lang ako dahil mainit.
"Ano? tara na kasi hinihintay nila tayo." Saad naman ni Mela.
Nang makababa kami ay nakita namin sila sa lobby na nakikinood sa tv.
"Andyan na sila Yammers." Saad naman ni Buddy.
"Tara na!" Saad naman ni Julie, sa aming lahat siya talaga ang pinaka-excited.
Dala-dala naman nila Ely ang gitara, bass at drumstick nila, paniguradong dun na lamang nila gagawin ang demo nila. Agad naman kaming nagtungo sa terminal ng jeep papuntang Naga.
Bago kami sumakay ay kumain na muna kami sa karinderya malapit sa terminal at maya-maya ay tinawag na kami ng kundoktor at pinasakay na kami. Kalong naman namin ang mga dala naming bag at kung minamalas nga naman ay pinaggitnaan ako ni Buendia at Zabala.
Gago kasi itong si Marcus, pinagpipilitan na palit kami ng upo dahil gusto niyang katabi si Shirley. Mahaba-haba pa ang biyahe namin kaya ginawa ko munang unan ang bag ko at ipinatong ang aking ulo.
"Inaantok ka ba?" Tanong naman niya.
Tanging pagtungo lang ang naisagot ko hanggang sa hinila na ako ng antok ko.
—————
"Claveria, baka naman."
Agad naman akong napamulat at nademonyo ata ako dahil nagising akong nakasandal sa kanya.
"Ay pu—" Agad naman akong napatigil nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Mura pa!" Panenermon naman niya at tumawa pa habang pilit akong pumipiglas sa kaniya at nang makawala ako at tinawanan muli niya ako.
"Tulo laway." Saad niya.
Agad ko naman hinawakan ang pisngi ko para icheck kung totoo.
"Leche ka! wala naman." Badtrip kong saad at hinampas siya sa braso, tinawanan niya lamang ako.
"Hoy love birds, tara na." Saad naman ni Julie.
Bumaba na kami at nagtricycle papunta kanila Ely. Nang makarating naman kami ay may nakita kaming batang babae na nakatambay sa may terrace.
"Hoy love birds tara na" sabi naman ni Julie
"Kuya!" Sigaw naman niya.
Kapatid ata 'to ni Buendia.
"Lally." Saad naman ni Buendia at niyakap ang kapatid niya.
Lumabas naman ang isang matangkad na lalaki at sumigaw. "Ma! nandito na si Ely!"
"Ay kuya mga kaibigan ko pala, si kuya Ernan kapatid ko." Pagpapakilala naman niya sa kapatid niyang lalaki, kumaway at mahihinang 'hi' lamang ang naging sagot namin.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...