Chapter 12

133 6 1
                                    

Bottled water

Y a n n a

Hindi ko maintindihan yung sinabi ni Ely sa akin.

Just hold me, and never let go of me

Anong ibig sabihin niya?

Hanggang ngayon hindi ko maalis sa isipan ko yung pagtitig ko sa kanya, yung pagsandal niya sa akin.

Jusko ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko ba siya iniisip kung wala din namang kahulugan 'yun tsaka may Vicky na siya.

Anong oras na ba?

Jusko alas dose na pala.

 —————

Kasama ko ngayon ang Heads, may practice daw kasi sila at kung hindi lang talaga ako pinilit nila Marc ay hindi talaga ako sasama. Ayoko kasing makita si Buendia ngayon, ang awkward lang.

Nandito na sila Makoy at Rayms sila Buds at Ely nalang ang kulang.

"Late nanaman yung dalawang gunggong." Saad naman ni Rayms sabay kain nung marie.

Bigla namang lumitaw si Buddy na pawis na pawis.

"Anong nangyari sayo?" Tanong naman ni Marcus.

"Galing akong Library, tinakbo ko na lang." Saad naman niya.

Buti na lang may extra tubig ako dito sa bag, sakto malamig pa ito. Bumili kasi ako kanina bago pumunta dito.

"Buddy." Pagtawag ko sa kanya at ibinato ko yung tubig na nasa plastic bottle kaya agad naman niya itong sinambot at binuksan.

"Salamat."

"Aba! Yammers, ano 'yan?" Tanong naman ni Rayms.

"Kanina hinihingal din ako, hindi mo naman ako binigyan. Aba! may favoritism na pa lang nagaganap dito." kantyaw naman ni Marcus.

"Tanga ka ba? Mas nauna ka kaya sa akin pumunta dito." Saad naman niya.

"Tanga, sabay kaya tayo."

"Tanga tumakbo ka kaya, kaya mas nauna ka tsaka sinamahan ko pa kanina si Yammers sa bilihan ng tubig." Saad naman ni Rayms.

"Tigilan niyo na nga 'yan, nasaan na ba si Ely?" Tanong naman ni Buddy.

"Ewan ang tagal niya, anong nangyari nga pala sa inyo ni Ely kahapon, Yanna? diba magkasama kayo?" Tanong naman ni Marcus.

Tsk, chismoso talaga.

"Alaws, nang peste lang." Pagsisinungaling ko naman.

"Sup, mga gago."

Napalingon naman kami sa may pinto, tang ina naiilang ako sa presensya niya. Lumapit naman si Rayms kay Ely at binatukan ito.

"Gago ka, late ka nanaman." Saad naman ni Rayms kaya tinawanan lang nila siya. 

"Oh, may kasama pala kayo." sabi naman ni Ely.

Aba, parang walang nangyari kahapon 'ah. Mga lalaki nga naman. Ang pawis talaga ni Buddy.

"Huy, ang pawis mo! magpunas ka nga." Saad ko habang kumakain sila. Oo kumakain sila, pampagana daw.

"Yammers, pakikuha nga nung pamunas ko dyan sa pocket ng bag ko." Pakikisuyo naman ni Buddy.

Kinuha ko naman yung bag niya at kinuha yung pamunas niya.

"Oh." Saad ko at ibinato ito sa kanya sakto tumama naman ito kay Ely.

"Puta s-sorry." Saad ko naman.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now