Y a n n a
Nagdududa
"kamusta naman ang pagmmodel?" tanong naman ni Mama habang kumakain kami
"ayos naman po, marami naman po akong projects na nakukuha ngayon" sagot ko naman
"ikaw Ely kamusta na banda nyo?" tanong naman ni Ate
"ok naman ate, marami na din kaming kanta na nabuo baka for the next two years may album na kami" sagot naman ni Ely
Kinapitan ko naman ang kamay niyang nakapirmi sa lamesa. Napatingin naman siya sakin, sinuklian ko lang ito ng ngiti
"nako Yanna nakita kita sa Magazine!" singit naman ni Ate
"oo nga anak, ang ganda mo dun" pagccompliment ni Mama
Napahagikhik naman ako habang inaalala ang mukha ni Ely nung napag-usapan namin yun
"sabi ni Ely ang igsi raw ng suot ko" sagot ko naman para asarin siya, nanlaki naman ang mata ni Ely
"haynako protective lang talaga yan sayo Yanna, parang kami lang ng tatay mo nung kabataan kami" sagot naman ni Mama at naglambing kay Papa
"nako, di na nahiya sa single" parinig naman ni ate
" nako Nurse Penny sagutin mo na kasi si Anthony" ani ko
"nako wag na lang, tsaka wag siyang umasa 'no sa dami kong pinagkakaabalahan sa ospital jusko" aniya subo ng kanin
"sabi nga pala ni Shirley kanina, punta raw sila dito ni Marcus tas simba raw tayo" bulong naman sakin ni Ely
"ah sige sige" sagot ko naman at hinilig naman niya ang ulo niya sakin
"di ka ba pagod sa biyahe?" tanong ko naman
"di naman" sagot naman niya
"tumulog ka kaya muna dun sa kwarto ko, siguradong puyat ka tumugtog pa kayo kagabi eh" sagot ko naman
"'ma patulugin ko muna si Ely sa kwarto, puyat eh" pagpapaalam ko naman
"sige sige" sagot naman ni Mama
Agad naman kaming tumayo ni Ely at nagtungo sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng pinto ay tinignan niya ang kabuuan ng kwarto ko habang hinanda ko naman ang unan at kumot
Jusko nakakamiss tong kwarto ko
"higa kana" ani ko ng matapos ako sa pag aayos ng kama ko
Umupo naman siya sa kama at nanatiling ganun
"bakit?" tanong ko naman at naupo rin sa tabi niya
"wala, naiimagine ko lang pagkinasal tayo syempre nakatira tayo sa iisang bahay, tapos nagsisitakbuhan yung mga anak natin-"
"'mga' talaga?" tanong ko naman
"bakit ilan ba gusto mo?" tanong naman niya
Napatingin naman ako sa baba
"ewan, ikaw ba?" Tanong ko naman
"isang banda" sagot naman niya
Jusko kayanin ko kaya?
"gago" sagot ko naman at napahalakhak naman siya
"wag kang mag alala aalagan naman kita at hindi kita hahayaang mapagod pero kung sa ano-"
"stop! wag mo na ituloy!" ani ko at tinakpan ang mukha ko dahil namumula na ko
"joke lang syempre" sagot naman niya
"parang tanga naman kase" sagot ko naman
"halika nga dito" sagot naman niya at unti unting kinain ang distansiya sa aming dalawa at niyakap ako sa side ko
"I love you po" aniya
Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti
"alam ko" sagot ko naman
Napangusto naman siya, napahalakhak naman ako
"joke lang eto naman, I love you too po" ani ko
Nakita ko naman ang multong ngiti sa kanya at bigla siyang namula
"nako kinilig pa nga" pang aasar ko naman
"parang hindi siya" sagot naman niya
Muli nanaman akong namula
"so inaamin mong kinilig ka? Ganun ba?" tanong ko ulit at humagikhik
"bakit masama ba?" tanong naman niya
"may sinabi ba ko?" tanong ko naman
Napatitig naman ako sa mga mata niya, ang hirap hindi pigilan na hindi mapatitig sa kanya
Nanlaki naman ang mata ko ng bigla niya kong hinalikan sa labi.
Puta ang lambot talaga ng labi niya jusko bakit ka ba ganyan Ely. Agad naman siyang bumitaw at hinabol namin ang mga hangin
"hinding hindi kita papakawalan Yanna..."
"hindi naman ako nagdududa Ely, tiwala ako sayo eh..."
Natahimik naman kami
"matulog kana nga!" pagbasag ko sa katahimikan
Napatawa naman siya at humiga na
"eto na po Madame" sagot naman niya
Tumayo naman ako
"goodmornight... "
"goodmornight"
Agad naman akong umalis sa kwarto at tsaka lang ako nakahinga ng maigi
Jusko Ely baka ikaw pa ang maging cause of death ko, para mo kong binabaliw. Ewan ko ba pero noon pa man ayokong mahulog at mabaliw ng tuluyan pero ewan ko ba, parang kinain ko lang yung mga sinabi ko
"baliw na baliw"
Napalingon naman ako at nakita si ate Penny, basa ang baba ng damit niya sa harap siguro siya ang naghugas
"jusko ate! Nakakagulat ka naman" ani ko at napahagikhik naman siya
"andiyan ng pala si Shirley" aniya at pumasok na sa kwarto niya
Agad naman akong pumuntang salas at nakita si Shirley na nanonood ng tv katabi si Mama
"shirlengtot" pagtawag ko naman
Napatingin naman siya sakin
"ayan tita, lumandi na sa wakas ang dalaginding niyo" pang aasar naman ni Shirley at tumawa naman si Mama
"jusko parang siya hindi lumandi ng maaga" sagot ko naman
"aba parang hindi ko kasama nung high school mang boy-"
"gago tigilan mo ko sina Marjoree kasama mo dyan dati, dadamay pa ko ni Gaga"
Napahalakhak naman siya sa sinabi ko
"saan si Ely?" tanong naman niya
"nasa kwarto natutulog, puyat eh" sagot ko naman
"puyat kakaisip sayo" pang aasar naman niya at tinaas taas pa ang kilay niya
Lumapit naman ako sa kanya at pinitik ang noo niya
"gaga puyat sa gig" sagot ko naman at tumabi sa kanya
"ba't nananaket?!"
"jusko mga bata kayo, dun nga kayo at di ko makinig itong pinapanood ko" pangtataboy naman sa'min ni mama
Mama na hurt ako choz
Agad naman kaming lumipat ni Shirley sa may terrace at naupo sa upuan doon
"nasaan si Marcus?" tanong ko naman
"ayun dinalaw rin ng antok at puyat rin" aniya
"kita ko nga hinagagod lang niya yung buhok mo magdamag dun sa bus" sagot ko naman
"jusko ganun lang talaga yun, masyado rin clingy pero syempre ganun maglambing at hindi nga kami minsan nagkikita dahil parehas kaming busy" sagot naman niya
"basta invite mo na lang ako sa kasal niyo ha" ani ko at humalakhak
"gaga!"
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...