Manok na may chicks
Y a n n a
Habang kausap ko si Mela at may biglang kumatok sa dorm namin, agad ko naman itong binuksan ngunit wala tao dito, nang mapatingin naman ako sa side ay nakita ko si Buendia na naka-sandal sa may pader habang may hawak na yosi na wala naman nakasindi.
"Bakit?" Tanong ko naman at ibinigyan naman niya sa akin ang bag ko.
Kaya pala feeling ko may nakalimutan ako, yung bag ko pala 'yun. Nilagay ko muna yun sa side at akmang isasara ko na ang pinto namin nang pigilan naman ito ni Ely kaya binuksan ko ulit ito.
"Problema mo?" Iritang tanong ko.
Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas. Buti nalang naka pang-alis pa ako.
"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko ngunit hindi naman siya sumagot, nilagay niya ang yosi niya sa pagitan ng mga labi niya.
Dinala niya ako dito sa sunken sa may benches at naupo siya habang nanatili naman ako sa kinatatayuan ko. Sinindihan niya ngayon ang yosi niya at hinithit ito.
"Pwede bang tigilan mo yan." Saad ko at kinuha ang yosi niya at agad itong tinapakan.
Wala naman siyang reaction at nakatingin lang sa malayo, bakit hindi niya ako mapasadahan ng tingin ngayon?
"Bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko ulit.
"Huwag kang masyadong dumikit kay Buddy." Bakas sa boses niya ang pagkaseryoso.
"Selos ka?" Tanong ko naman.
"Paano kung oo?" Tanong naman niya
Ano nanamang trip nito?
"Sino ka naman para utusan ako?" Sarkastikong saad ko naman sa kanya.
"Kaibigan mo." Saad naman niya.
"Kaibigan mo rin naman si Buddy 'ah."
"Basta 'wag kang dikit ng dikit sa kanya."
"Manigas ka dyan." Saad ko naman at umalis na, buti na lang at hindi na niya ako hinabol pa.
Bumalik na lang ulit ako sa dorm at humiga. Ano bang problema 'nun? Bakit niya sinasabi 'yun?
—————
Maaga akong pumasol sa klase ko ngayon, blockmate ko ngayon si Buendia at si Felix. Nang dumating na ang prof namin ay nagsimula na siyang magturo, inaantok pa ako dahil iniisip ko yung mga sinabi sa akin ng Heads tapos ngayon parang hinehele naman ako ng prof namin.
Katabi ko nanaman ulit si Buendia kaya pinipilan kong huwag matulog hanggang sa matapos na ang klase namin.
Nakita ko naman si Buddy kaya agad ko siyang nilapitan.
"Akin na yung bag mo, Yammers." Saad naman niya at akmang kukunin na ang bag ko.
"Hindi, okay lang Buddy ako na." Saad ko naman.
"Nahiya ka pa basta akin na." Saad naman niya at kinuha ang bag ko.Hindi na din naman ako makaka-angal kaya hinayaan ko na lang siya.
"One point for my manok." Saad naman ni Rayms kay Marcus.
"Huwag kang pakampante Rayms, hindi magpapatalo ang manok ko." Saad naman ni Marcus.
Gago, anong pinagsasabi nila? sa totoo lang, minsan wala na talaga akong maintindihan sa kanila.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...