Y a n n a
First Kiss
Ano bang nangyayari sa lalaking yun parang kanina pa 'ko di pinapansin
Pagkatapos kase nila Rayms at Ely mag bike di na ko kinausap ni Buendia
Ah basta, leche sya
"Yammers" pagtawag naman ni Buds
At umupo sya tabi ko
"Oy, nyare sayo?" Tanong ko
"Wala, wala akong magawa" sagot naman nya at napatawa ako
"Gago, magbasa ka nalang ng comics, daming comics dyan ni Rayms" sagot ko
Tangina may maliit na bookshelf pala si Rayms sa kwarto nya tas ang laman puro comics hahaha
Napabugtong hininga nalang ako, wala akong mapapala kung di ko lalapitan yung tukmol na yun
"Oh nyare sayo?" Tanong nya
"Deputa yan si Buendia akala mo talaga may dalaw ehh" sagot ko naman sabay irap
"Gago ano bang ginawa? Upakan ko na ba?" Biro nya
Napatawa naman ako
"Geh tirahin mo na hahaha ako taga sigaw sa inyo" biro ko
Napatawa naman sya.
"Pero eto totoo na, pinapansin ka ba nung tukmol na yun?" Tanong ko
"Oo, bakit 'di ka pinapansin?" Tanong nya
"Parang ganun na nga, siraulo ata yun hahaha pero ayus lang at least walang nangpepeste saken" sagot ko naman
Weh Yanna ayus nga lang ba talaga?
Ayst shut up self minsan pahamak ka din ehh. May mga nasasabi akong kademonyohan dahil sayo
"Sa tingin mo buds ba't 'di namamansin yun?" Tanong ko naman
"Siguro may ginawa kang katangahan?" Biro naman nya
Sinapok ko naman sya
"Gago wala" sagot ko naman
"Ang bilis ng kamay mo" singhal naman nya
Napatawa naman ako
"Siguro may ginawa kang di kaaya-aya sa paningin nya o 'di kaya may sinabi sya sayo pero di mo pinansin" sagot nya
Napaisip naman ako
Meron nga ba akong ginawa sa kanya?
"Gago parang wala naman ehh, siguro may dalaw talaga yun" sagot ko
Napahalakhak naman sya
"Err, ganyan ba talaga ako ka funny?" Tanong ko naman
"Gago Yanna 'yang isip mo, maghunos dili ka hija" sagot naman nya
Napahalakhak naman ako
"Hoy ang lalakas ng tawa nyo dyan ahh" sagot naman ni Julie at naupo sa tabi ko at sabay sandal
"Oh ba't parang hinihingal ka?" Tanong ko naman
" Walanghiya 'yang si Shirley kanina pa 'ko hinahabol ng sabunot" sagot naman nya
Nagkatinginan naman kami ni Buddy sabay halakhak
Napasimangot nalang si Julie
"Ano ba kasing katarantaduhan ang ginawa mo?" Tanong ko
"Wala naman, parang tanga yan si Shirley sabi ko lang naman nakita ko si Marc may kasamang babae" sagot naman nya
Lalo namang lumakas ang tawa namin ni Buds
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...