Chapter 5

137 6 0
                                    

Y a n n a

Notebook

Nakatambay ako ngayon sa dorm nila Ely dahil wala naman kasi akong gagawin at tsaka mamaya isosoli ko pa yung notebook ni Felix sa kanya. Wala ngayon dito si Ely, nagyoyosi daw sabi ni Makoy sa akin. Bahala siyang mamatay sa bisyo niya.

"Ang tahimik mo naman, Yanna." Saad naman ni Makoy.

"Wala naman kasi akong alam sa pinag-uusapan niyo." Saad ko naman at nag-indian sit sa lapag nila. Pinag-uusapan kasi nila yung video game na nilalaro nila ngayon.

"Edi, tuturuan ka namin maglaro." Saad naman ni Rayms habang nakatutok pa rin sa screen ang mga mata niya.

Kung sabagay, wala rin naman akong ginagawa kaya pumayag na lang ako. Tinuruan ako nila Rayms maglaro at syempre yung mga basic controls lang yung tinuro nila sa akin, takot atang matalo ko sila.

"Yun! nakuha mo rin." Nakangiting saad naman ni Buddy.

"Game na." Saad naman ni Rayms at nagstart na kaming maglaro.

So far, naiintindihan ko na kung paano ito laruin at nakikita ko na rin ang mga weakness ng mga characters nila. Sa huling pagkakataon ay ginamit ko na ang lakas ng character ko para talunin ang characters nila kaya ang ending panalo ako.

Hindi nila matanggap ang pagkatalo nila kaya naglaro ulit hanggang sa naglaro ulit kami ng ilang rounds.

"Ang daya naman! lagi ka na lang panalo, Yanna." Reklamo naman ni Makoy.

"Hindi naman, chamba lang." Saad ko naman at ngumisi.

"Yabang." Kantyaw naman ni Buddy.

"Luh, pinagsasabi mo?" Tanong ko at tumawa kami.

Nagulat naman kami nang biglang bumukas ng pinto ng dorm. Gago talaga 'to si Buendia, may balak pa atang patayin kami sa gulat.

"Hayop ka talaga Buendia! papatayin mo ako sa gulat." Inis na saad ko sa kanya.

"Bakit ang tagal, Claveria?" Pang-aasar naman niya.

Tang ina talaga.

"Langya ka!" Sigaw ko naman habang tawang-tawa naman sila Marcus dito.

Agad rin naman silang nag-focus sa paglalaro ng video games. Tinignan ko kung anong oras na, alas dos na pala kaya tumayo ako at mukhang 'di naman nila napansin kaya nag dire-diretso na ako paalis. Papunta ako ngayon sa Palma hall dahil duon kami magkikita ni Felix.

Habang naglalakad ay tanaw ko na agad si Felix, mukhang hinihintay ako pero bago pa ako makalapit ay nakita kong may lumapit sa kanyang babae.

Siguro girlfriend niya yun, medyo familiar ang likod ng babaeng iyon. Mukhang nag-aaway pa nga sila.

Maya-maya ay umalis din yung babae, nagpag-alaman ko rin na ang babaeng iyon ay si Mela. Natanaw ko naman si Josh na naupo sa hagdan at napasapo sa kanyang noo.

"Felix!" pagtawag ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Uy, andyan kana pala."

"Nasa outer space pa ako, joke." Pamimilosopo ko naman sa kanya.

"Ito na nga pala yung notebook mo 'oh, thank you sa pagpapahiram ulit." Nginitian ko naman siya.

"Your welcome, saan ka na pala pupunta?" Tanong niya.

"Sa dorm na ulit."

Wala na din naman akong pupuntahan kundi dorm lang, nakakatamad kasing gumala ngayon.

"Hatid na kita." Saad naman niya.

"Sigurado ka?" Tanong ko kaya napatawa naman siya.

"Mukha ba akong nagloloko?" Saad niya at nagsimula na maglakad.

Sa acacia pa kase yung dorm niya.

"Oo tsaka dadaan ako sa Yakal." Saad naman niya.

"Okay." Tanging saad ko at naglakad na kami papunta dun.

"So, tropa mo pala sila Ely?" Tanong naman niya habang naglalakad kami.

"Oo, sila lang naman madalas kong nakakasama." Saad ko naman.

"Ganun ba." Tanging saad niya.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maka-abot na kami dito sa dorm ko.

"Sige, thank you ulit 'ha." Pagpapasalamat ko naman sa kaniya.

"Oo na, ayos lang. Una na pala ako." pamamaalam naman niya at kumaway na sa akin.

Kumaway din ako at pumasok na sa dorm ko. Nagulat naman ako dahil nasa loob na ng dorm ko sila Ely.

"Hoy! saan ka nagpunta? bigla ka na lang nawala, akala tuloy namin nag teleport ka na." Saad naman ni Marc.

"Grabe naman yung nagteleport, nagsoli lang ako ng notebook." Saad ko sa kaniya.

"Bakit mo naman kasama si Felix, aber?" Tanong naman ni Rayms, kilala pala nila si Felix.

"Wala hinatid nya lang ako dito." Saad ko naman.

"Ay, wala na." Saad naman ni Buddy.

Anong meron dito sa mga ito?

"Wala, nakaka-lamang na pare, wala ka na." Saad naman ni Marc.

"Ano bang meron?" Tanong ko.

"Wala!" Sabay-sabay nilang saad.

"Edi wala." Saad ko naman at ngumuso.

Feeling ko may tinatago sila sa akin, ayaw lang nila sabihin.

"Alis dyan." Saad ko kay Ely na nakasandal sa pinto.

"Ayoko nga." Saad naman niya habang nakabusangot.

Kinurot ko naman sya sa bewang niya at bigla siyang tumabi.

"Aray! puta." Saad naman ni Ely.

"Oh, wild I like it." Saad naman ni Marc kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

Ano daw?

Binuksan ko ang pinto ng dorm ko at ipinagtulakan sila papalabas at isinara ang pinto habang nakatingin kay Mela na naka peace sign ngayon. Walang magagawa 'yang peace sign mo kapag sinakal kita.

"Joke lang Yanna, labas kana dyan." Saad naman ni Marc.

"Yari kayo! nagtampo na." sabi naman ni Raims

"Tanga, kasama ka kaya." sabi naman ni Buddy

Jusko bahala na talaga sila!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

kaheal_

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now