Chapter 40

102 6 0
                                    

Y a n n a

Salamat, Mela

"Hala tapos na nga talaga ang sembreak balik aral nanaman kahit 'di naman nag aaral" sagot ko naman

Binato naman ako ni Mela ng Unan

"Huy joke lang" sagot ko naman

Nandito na kami sa dorm inaayos yung mga gamit namin dahil 'di na namin naayos kahapon dahil puro pagod kami sa biyahe

"Basta ggraduate tayo" sagot naman ni Mela

"Excited na 'kong grumaduate" sagot naman ni Shirley

"Uy nga pala Yanna may isang model company akong alam well naghahanap sila ng mga model sakto nung 'di pa tayo nakakaalis dito nakita ka daw nya baka daw interesado ka?" Tanong naman ni Julie

"Aba aba aba maldita ka, ikaw na talaga" sagot naman ni Shirley

"Gago ang ganda na sana dinagdag mo pa yang maldita ehh" sagot ko naman

Tumawa naman kami

"Julie alam mo namang di ako interesado sa mga bagay na yan" sagot ko naman

"Sayang naman, may potential ka pa naman. Matangkad ka, sexy, maganda" sagot naman ni Julie

Tsk nangbobola nanaman

"Jusko Julie di gagana yan kay Ligaya" sagot naman ni Shirley

Napanguso naman si Julie

"Uy kain tayo kanila tita Beth mamaya pagkatapos nito ha" sagot naman ko naman

"Wag, na dun nalang kanila Mang Larry" sagot naman ni Shirley

"Bakit?" Tanong naman ni Mela

"Andun si Toyang baka balikan pa si Ely" sagot naman ni Julie

Oo nga 'no baka balikan yung tukmol na yun edi wala na finish- teka ano ba tong pinagsasasabi ko

"Gago sino bang may sabing isasama natin sila?" Tanong naman ni Mela

"Sige na sige na dun na kanila mang Larry" sagot ko naman

Maya maya ay natapos na rin kaming mag ayos ng gamit at pumunta na kami sa isawan ni Mang Larry

"mang Larry 10 pong isaw tas 15 na kwek kwek tapos 2 betamax, salamat po" sagot naman ni Shirley

Naupo na kami dito habang iniintay maluto yung inorder namin

"ano bang problema nyo kay Toyang?" tanong ko naman

Sabay sabay naman nila pinitik yung noo ko

"aray! Punyeta kayo"

"gago ang manhid" bulong naman ni Mela pero tama lang para marinig ko

"bakit ba puro manhid nalang nakikinig ko?" tanong ko naman

"haynako magsama kayo ni Josh, parehas na manhid" sagot naman ni Julie

"alam kong di ka maniniwala dito Ligaya pero sa barkada kase ikaw lang ang di nakakapansin" sagot naman ni Shirley

"napapansin ang?" tanong ko naman

"napapansin na may pagtingin sayo yung bassist nila Rayms at yung vocalist nila" sagot naman ni Julie

"teka so that means gusto nila ako?" tanong ko naman

Napahampas naman si Mela sa lamesa at tinuro ako sabay sabing "nakuha mo rin!"

"ayan puta nababawasan na ang pagkamanhid nya" sagot naman ni Mela

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now