Chapter 10

154 5 0
                                    

Friendzone

Y a n n a

Tawang-tawa ako kanina kaya nilayasan ako ni Buendia.

Dumiretso naman ako dito sa dorm nila Ely para sana asarin pa kaso wala dito, baka dinaanan pa yung syota niya.

"Ginagawa mo dito?" Tanong naman ni Buddy.

"Tambay lang." Saad ko naman.

Tumango lang siya sabay balik sa paglalaro niya kaya nagbasa na lang ako ng libro dito.

"Nasaan nga pala si Rayms?" Tanong ko naman.

Tumingin naman siya sa akin sabay balik ulit ng tingin sa nilalaro niya.

"Natutulog."

" Ely?" Tanong niya.

"Ewan ko dun, dinaanan siguro yung syota niya." Saad ko at napabugtong-hininga, sayang hindi ko maa-asar si Mokong.

"Selos ka?" Tanong naman nya sabay ngisi nakatingin parin sya sa nilalaro niya.

"Asa, bakit naman ako magseselos?" Tanong ko naman.

Nagkibit-balikat naman siya. "Ewan." Saad niya.

Bumalik na lang ulit kami sa ginagawa namin.

"Uy Buds, balik na ako sa dorm 'ha."

"Sige, ingat ka." Saad naman niya at kumaway pa.

Lumabas na ako ng dorm nila at pumunta ng dorm ko, pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang sigaw ni Shirley.

"Ligaya!" Sigaw ni Shirley.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko naman.

"Pumunta dito yung Marcus tapos hinahanap si Shirley." Saad naman ni Julie na nag ma-makeup.

"Ay wow, anong nangyari?" Tanong ko naman.

Hindi ko na pala kailangang ireto yung mokong 'yun, kaya naman pala niya.

"Tapos ang sabi hinahanap ka daw." Saad naman ni Shirley.

Anak ng tokwa naman!

"Gago talaga." Bulong ko naman.

"Huh?"

"Bakit daw ako hinahanap?" Tanong ko naman sa kanya.

"Walang sinabi." tipid na sagot ni Julie habang busy pa rin sa pag ma-makeup niya.

"Ang labo nung lalaking 'yun, hinahanap ako tapos ikaw naman pala ang hinahanap." Saad naman ni Shirley.

"Kasi nga type ka 'nun." bulong ko naman.

"May sinasabi ka?" Tanong niya.

"Wala, type mo ba siya?" Tanong ko naman.

"Uhm, pwede na." Saad naman niya.

Aba, mukhang matutuwa si Marcus 'ah.

"Gusto mo ilakad kita?" Tanong ko naman.

"Pwede rin." sabi naman niya.

Harot naman, edi sila na.

"Ikaw Julie, gusto mo ba si Rayms?" Tanong naman ni Shirley.

"Ewan ko."

Nako po.

"Wag niyo nga muna ako kausapin baka lumampas yung eyeliner ko." sabi naman ni Julie.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now