Una
Y a n n a
Nandito ako ngayon sa La Union dahil meron kaming shoot dito, kasama ko si Shirley for my wardrobe and sumama na din sila Julie at Mela dahil nababagot na raw sila. Actually nagleave sila for this La Union trip.
Naging okay rin sila Shirley at Makoy and papanagutan ni Makoy si Shirley since anak naman niya yun bakit hindi niya papanagutan. I am now posing in a sunny dress with some of the known models for summer vibe magazine.
Nang matapos ay agad akong pumunta sa makeup room namin kung saan nag-iintay sila Shirley. Agad akong umupo at tinanggal ang earrings ko tsaka inabot naman ni Shirley ang next sunny dress na gagamitin ko for my second shoot.
"Go Girl! We're rooting for you!" si Mela naman at tinaas pa ang kamay niya kaya napangiti ako. Nagpalit na ako at agad inayos ng makeup artist ko ang makeup ko.
"Uy Yanna, second shoot for 30 minutes raw" si Josie, isa sa sikat na model and actress na kasama ko for this shoot.
"Oh yeah, 3 minutes" ani ko at tumango naman siya, agad na binilisan ang pagmmake-up sa 'kin at agad rin akong pumunta sa next location namin. Sobrang ganda ng location namin dahil nasa beachside lang kami.
"Okay, I want to see the summer vibe to all of you, so be cheerful and enjoy ladies!" sabi sa amin ng staff. While inaayos ng photographer ang camera niya.
"Shit! May tae!"
Napatawa naman kami bigla nang makinig namin ang isang staff sa may katabi ng pinag pphoto-shoot-an namin dahil may poop ng aso dun. Sakto naman na nakuhanan kaming tumatawa ng photographer kaya naging madali na ang photo-shoot namin, thanks to that staff.
Nang matapos kami ay agad akong bumalik sa make-up room which is change room din namin at nagpalit sa color viridian green two piece swimsuit for our last shoot, agad naman akong nilagyan ng light make-up at agad nagpunta sa may beachside, naupo ako sa may buhangin habang iniintay ang iba ko pang kasama ng may maramdaman akong mag flash sa likod ko.
"You must be Yanna Claveria?" aniya at ngumiti sa 'kin, he doesn't look bad to me, but appearance can be deceiving.
"do I somehow know you?" tanong ko naman.
Umiling naman siya, "I'm Dio Ardiente" aniya at inilahad niya ang kamay niya sa 'kin. Agad ko naman itong tinanggap at nagsmile siya sa akin kaya nagsmile rin ako pabalik.
"Are you part of the team?" tanong ko at itinuro ang mga staff.
"No, I'm just a simple vacationer" aniya at naupo sa tabi ko.
"ohh, that's nice to hear" ani ko at tumayo na dahil tinawag na ko ng isang staff dahil magsisimula na raw kami.
"It's nice talking to you, I need to go" ani ko at nagsmile naman siya sakin at tumango. Agad akong tumakbo papunta sa dagat, kailangan raw namin lumubog ng konti sa tubig for a style. We splatter waters at agad kaming kinuhanan ng photos.
Nang matapos ang shoot namin ay agad kaming binigyan ng towels to dry up, nakita ko naman na naglalakad papalapit sa akin sila Shirley. "Ganda naman niyan!" si Mela habang tumatawa dahil magulo ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin ngayon.
"Tse! Naol ponytail" ani ko at mahinang hinampas naman ako ni Shirley na nakatabi na sa 'kin.
Nakabikini na rin sila under their clothes pero hindi kami dito lalangoy, sa ibang resort kasi nagbook sila Julie.
"Why don't we go now, dun kana magshower sa resort, Yanna" si Julie naman.
"Sige sige para swimming na lang tayo" ani ko at agad naman kaming pumunta sa may makeup room kung nasaan ang gamit namin at tsaka pumunta sa nirentahan naming van.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...