Y a n n a
Ligaya
Nandito kami ngayon sa sala, nagkwe-kwentuhan kasama sila Lally at Elyra. "Nakita ko yun 'ha." Bulong naman sakin ni Julie.
"Narinig ko yun." Bulong naman ni Shirley. Kanina ko pa sila naririnig magbulungan kaya nacucurious na din ako kung ano ang topic nila. "Ang alin?" Tanong ko naman.
"In denial ka pa dyan." Saad naman ni Shirley."Tsk, kayo talaga ni Ely." Saad naman ni Julie. "Pinagsasabi niyo?" Tanong ko muli habang nakakunot ang noo sa kanila.
"Oh, ano nanaman pinag-uusapan niyo dyan? sali niyo naman kami." Saad ni Marcus. "Bawal sa tanga, dun ka na kanila Ely." Saad naman ni Shirley habang pinagtatabuyan si Marcus. Napanguso naman si Makoy ngunit agad rin siyang bumalik sa kwentuhan nila Rayms.
Lumapit naman sa amin si Lally. "Tara sa kwarto mga ate." Bulong niya at agad naman kaming sumunod. Nang makapasok kami ay agad niyang sinara ang pinto at inilock ito. "Bakit mo nilock ate?" Tanong naman ni Elyra kay Lally.
"Wala, naninigurado lang kasi baka makinig nila tayo." Paliwanag naman ni Lally. "Nakita mo yun Shirley?" Tanong naman ni Julie at agad tumango si Shirley.
"Kayong tatlo ba? nakita niyo rin?" Tanong niya at agad napatango sila Mela."Ang tanong..." Saad naman ni Shirley at tumingin sa akin. "... anong meron sainyo ni Ely?" Tanong naman nila.
"Huh? gago kayo bakit naman ganyan mga tanungan niyo?" Tanong ko naman sa kanila. "Sagutin mo na lang kasi!" Sigaw nila.
"Hoy! bakit kayo nagsisigawan dyan? Elyra sabihin mo lang, wawasakin ko itong pinto!" Agad naman kaming nagulat sa pag-sigaw ni Ely kaya agad kaming napaayos ng upo. "Baliw! may hinahanap lang kami, anong wawasakin!" Sigaw naman ni Julie.
"Yung contact lens mo nasaan na ba yun?" Pagdadahilan ko naman. Kinabahan ako dun, bigla-bigla na lang kasing nasigaw si Ely tapos kinakalabog pa yung pinto. "Ito! nakita ko na!" Sigaw naman ni Mela.
"Labas na tayo." Bulong ni Lally at nagsi-tango naman kami at pagbukas niya ng pinto ay agad tumilapon sila Ely sa sahig ng kwarto. "Ayan, lumabas na rin ang mga chismoso." Saad ko naman.
"Ulol, bakit kasi nilolock yung pinto kung naghahanap lang naman pala ng contact lens, edi sana natulungan pa namin kayo." Saad naman ni Marcus. Nagsitinginan na lang kami sa iba't-ibang direksyon. "Kuya punta na lang tayo dun sa may kubo." Pagbabago naman ni Elyra sa usapan.
"Tara!" Sigaw naman ni Rayms. Kumuha ng mga pagkain si Lally at si Elyra, dala-dala naman ni Marcus ang gitara. Napakasarap ng hangin dito, sariwang-sariwa hindi tulad sa Manila na puno ng usok ang hangin.
Naupo naman kami sa bamboo bench dito sa kubo, kung swine-swerte nga naman at katabi ko sila Marcus at Rayms. "May sinulat akong kanta." Maikling saad naman ni Ely. "Anong title?" Tanong ni Buddy habang kumakain ng chichirya.
"Ligaya."
Napatingin naman silang lahat sa akin habang nakangisi.
"Play the song, pare ko." Biro naman ni Rayms napatawa naman si Ely sa gilid. "Ito na, game na." Saad naman niya at nagsimula na magstrum ng gitara.Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa bang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo
'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...