Chapter 4

160 6 1
                                    

Libre

Y a n n a

Dalawang buwan na ako dito. Kakatapos lang ng klase ko ngayon kaya nandito ako sa Sunken Garden, dito na lamang muna ako nagpahinga pagkatapos ng dalawang oras na klase ko.

Nag dra-drawing nanaman ako drinadrawing ko lang yung family picture namin, ewan ko ba pero bigla ko silang na-miss puro kasi trabaho ang parents ko tapos si ate naman busy dahil may trabaho na rin siya. Hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko.

"Yanna!" Sigaw naman ni Makoy kasama niya ngayon si Ely at Rayms.

"Uy! dito pala kayo." Saad ko sabay punas ng luha ko.

"Hala, bakit ka umiiyak?" Tanong naman ni Rayms.

"May umaway ba sayo?" Tanong ni Makoy na parang ready na rumesbak habang si Ely naman ay nakatingin lang.

"Wala, may na-miss lang ako." Saad ko at tumawa.

"Ano pa lang ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Wala, kanina ka pa namin hinahanap." Saad naman ni Rayms.

"Miss niyo na ako 'no?" Biro ko naman sa kanila.

"Asa." Tipid na saad naman ni Buendia.

"Punta ka, may gig kami mamayang 6:00 pm." Saad naman ni Makoy.

Buti pa ito ang tino sumagot, hindi katulad nitong asungot na kasama nila napaka-epal.

"Yes naman, may gig na pala kayo pero bakit  kulang kayo? nasaan si Buddy?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanila.

"Wala, nasa library gumagawa ng thesis." Sagot naman ni Ely.

"Ah, ganun ba." Saad ko.

Tumayo na ako sa kinau-upuan ko at bigla naman kumalam ang tiyan ko at parang nagugutom naman ako ngayon, lintek ano ba 'yan.

"Hoy! saan kayo?" Tanong ko sa kanila.

Agad naman silang napabaling sa akin. "May klase kami ni Rayms!" sagot naman ni Makoy.

"Ay ganun ba? sige bye-bye." Pamamaalam ko sa kanila at kumaway naman silang dalawa.

"Pst, Ely." Pagtawag ko naman kay sungit.

"Ano?" Tanong niya.

"Samahan mo ako." Saad ko at nagpa-cute sa kanya.

"Hindi bagay sayo, Claveria." Saad niya sa nang-aasar na tono kaya agad naman akong napa-pout at akmang sasakalin ko na sana siya.

"Saan?" Natatawang tanong niya ngunit kita sa mga mata niya ang lungkot.

"Kain tayo bilis nagugutom na ako, 'wag kang mag-alala libre ko." Saad ko naman kaya mas lumawak ang ngiti niya

"Tara!" Yaya naman niya.

Basta talaga libre ang bibilis nila, pero ayos lang buraot din naman ako minsan so quits lang. Nang makarating kami dito sa turo-turo ay agad akong kumuha ako ng isaw at betamax at inilagay ko sa cup

"Hoy Buendia! ang tahimik mo naman." Mataray kong saad.

"Ganyan talaga." Saad naman niya.

"Huhulaan ko.." Agad naman ako nag-isip ng joke sa kanya. ".. wala na kayo ni Vicky 'no." Natatawang biro ko naman sa kanya.

Agad naman niya akong nginitian ng mapakla. "Bullseye." Saad niya.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now