Chapter 67

94 3 7
                                    

-2009

"Yanna, bilisan mo na!" sigaw naman ni Julie habang abala sa pag-aayos ng bag niya.

"Wait lang!" sigaw ko pabalik habang isinusuot ang earrings ko.

Mayroon kasi kaming show na kailangan puntahan. I retired being a model ngunit naging mentor naman ako ng ibang future models, I become known in the modeling industry at minsan nga ay kinukuha pa kong judge sa mga shows related sa modeling.

Nang matapos na kami ni Julie ay agad kaming sumakay ng sasakyan, mahirap na matraffic sa daan.

"Pupunta ba si Mela?" I asked while reading an article.

"Sa After show na lang daw." aniya habang binabasa ang text ni Mela.

Mela and Joshua got married after several years of being in a relationship, sadly hindi ako nakapunta sa kasal nila since I was so busy nung time na 'yun dahil nasa Paris ako. Fashion week kasi kaya mahirap isingit ang wedding nila dahil hindi ako pwedeng mawala dun.

Tsaka sa US ako nakatira hindi sa Pinas.

Fortunately hindi matraffic kaya agad kaming nakahabol ni Julie, maraming photographers and Paparazzi na nakakalat, when they saw me getting out of the car ay agad nagflash sa mukha ko ang mga camera nila. May mga reporter rin na nandito ngunit hindi ko na sila pinansin dahil mala-late na talaga ako.

Nang makapasok ako ay agad kaming inassist ng isang staff sa upuan namin, we thank her at agad naman siyang umalis para hindi makaistorbo sa ibang guest ng show.

"Julie, I'm leaving tomorrow." bulong ko sa kanya.

"Rush nanaman?" She asked, trying to lower down her voice.

"It is what it is." I sighed at pinanood na lang ang mga models.

They were good lalo na yung pinakahuli, I like how they walk. Mukhang pinaghandaan talaga. Usually noon we trained like 3 weeks before the show pero ngayon mas humigpit ang training ng ibang models like a month before the show.

Hindi madaling makapasok sa modeling industry lalo na kapag wala kang kakilala or connection, base on experience lang, sobrang nakakadepress kapag nata-tanggihan ka sa auditions. Sobrang lucky mo kapag ikaw na mismo ang tatawagan nila to be the model sa show or brand. Usually fillers lang ang mga kino-call-back nila.

Nang matapos ang show ay nagpahatid na lamang ako sa may coffee shop na bukas 24 hours. I'm somehow used to ditch other people na, dala na rin siguro ng ibang experiences ko.

I wanted to rest na lang muna, I texted Mela saying na sobrang pagod na talaga ako and bi-biyahe pa ko tomorrow.

"Alone?"  A familiar voice echoed in my mind.

Agad ako napalingon.

I smiled bitterly at him. "as usual." ani ko.

He sat down in front of me as sip his coffee.

"Where have you been?" He asked.

"Fashion show, I'm with Julie kanina." I said as I sip my coffee.

"I mean like for those years you were absent sa mga reunion and all?" he asked.

"I was in US living my life." tipid kong ani, he nodded and look down.

"You left because of our break up?" He asked.

Napatingin naman ako sa kanya, I was caught of guard with his question.

"N-no, I mean yeah but I left for your child sake and I got an offer sa US and maganda naman yung offer so ayun, I accepted it." ani ko naman.

Our break up didn't go that well to be honest.



-1997

After the Tagaytay incident with Rayms ay inihatid na niya ko sa condo ko. Hindi naman kami nagkailangan ni Rayms in fact we just laughed it off tsaka matagal na rin yun at he told me nakamove on na raw siya sa akin simula ng makita niya si Julie.

I guess Julie was really special to him. So special na until now hindi siya makamove on. It's been 7 years at until now nagmumukmok pa rin siya hoping they can reconciled and have a closure para sa ikakapanatag ng loob niya.

Hindi na kami nakakapag-usap ni Ely this past few weeks dahil magla-launch nanaman sila ng album.  I took that opportunity na pag-isipan lahat at sa tingin ko ay buo na ang desisyon ko.

I called him kanina na magkita kami sa sunken garden at ngayon iniintay ko na lang siya.

Hawak-hawak ko ang last draft na sulat ko para sa kanya. I saw him walking towards me, bumilis naman ang tibok ng puso ko.

I don't know if this is because of the fondness and adoration or because this will be the last time he will see me. Heck, I'm still mad at him because technically he cheated.

He leaned on me trying to kiss my cheeks but I manage to abstain it. He look at me confused ngunit umupo siya sa tabi ko.

"Bakit tayo nandito, mahal? Pwede naman sa studio?" tanong naman niya.

"Hindi ako magtatagal dito Ely, dederetsohin na kita, I'm breaking up with you and I'm here to give you this." ani ko at ibinigay at ipinatong sa tabi niya ang letter ko, nanigas naman siya sa kinauupuan niya habang nakatitig sa akin.

I was containing my tears while he couldn't even try to hold his sob.

"Bakit?" He asked.

"Tumayo ka bilang ama ni Una." ani ko naman.

"You knew?" He asked.

"I was in La Union, I saw how you held her in your arms... what a perfect family kung If I was fully out of the frame." ani ko.

"Mahal, hindi ko sinasadya..." He hug me at wala na yata siyang balak pakawalan ako. "I was drunk, really really wasted at that time but then she was there and I don't know what happened... She just called me months later telling me she's pregnant." aniya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at agad ko itong pinunasan.

"You're still a traitor." Ani ko at tinanggal ang pagkakayakap niya at tsaka tumakbo sa sasakyan na hiniram ko kay Julie.

I drove to Julie's condo in Antipolo. Walang may alam ng condo na ito ni Julie since kakabili niya pa lang.

Dito ko binuhos lahat ng dinidibdib ko over the years with him. Akala ko hindi na ako masasanay na maging mag-isa dahil andyan siya palagi but I realize na mag-isa lang ako simula nung una. He didn't fought for our relationship instead he cheated. Kahit lasing siya alam niya ang ginagawa niya, hindi niya ko masisisi for doing this things because in the first place he was the one who completely ruined our relationship.

-Play the vid above.

I will run far away from him and I won't ever look back.

Kakalimutan ko lahat, even the ones who became part of my life already.

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now