Chapter 2

172 8 1
                                    

Y a n n a

Dorm

Grabe! nakakabusog naman dito sa Area 2 lalabas nanaman yung mga fats ko lintek. Naglalakad ako ngayon papuntang dorm. Bukas back to school nanaman ako, nandito na ako sa lobby ng dorm ko nang makita ko si kuya ngisi este Ely.

Tumingin din siya sa akin ngunit bigla naman niya akong inirapan, ay wow siya pa talaga may ganang mang-irap. Papasok na sana ako ng dorm ng makita ko si Rayms sa may pinto ng isang dorm.

"Uy Yanna!" pagtawag sa'kin ni Rayms.

Agad naman akong lumapit sa kanya at binati siya.

"Uy, dyan ka pala." Saad ko naman at nag-apir pa kami.

"Ano tatambay ka?" Tanong naman ni Makoy na biglang sumulpot sa tabi ni Rayms, parang kabute naman itong isa 'to. Wala rin naman ako gagawin sa dorm kaya dumiretsong pasok ako sa loob ng dorm nila.

"Langya, bigla na lang namamasok." Saad naman ni Makoy kaya napatawa naman kami.

"Anong meron dito? Dorm nyo ba 'to?" Sunod sunod kong tanong habang pinagmamasdan ang kabuuan na interior ng dorm nila.

Ang masasabi ko lang ay typical dorm interior lang yung kanila katulad nung amin, pero yung dorm namin mas malinis tignan dahil na rin siguro sa decoration na nilagay ng mga dorm mates ko.

"Ah, wala naman video games lang ganun." Saad naman ni Buds.

"Kay pareng Ely 'to." sagot naman ni Rayms.

Ay shit, parang mas gusto ko na lang maburyo sa dorm ko kesa tumambay dito. Bigla namang bumukas ang pinto.

Si Ely lang pala.

PUTA SI ELY!

"Oh, bakit nandito 'yan?" Walang buhay na tanong ni Ely.

"Wala, niyaya lang namin tumambay dito." Sagot naman ni Makoy.

Umupo naman si Ely katabi ni Buds at tsaka kinuha ang controller at nakipaglaro kay Buds, talagang walang pake ang isang 'to.

"So ano na?" Tanong ko naman.

"'Nak ng pu—ano ba 'yang kinakain mo, Marcus?" Nandidiring tanong naman ni Rayms.

"Basta pagkain." Tipid na sagot niya at patuloy pa rin sa pagkain.

"Hayup ka, ang bantot." Saad naman ni Rayms at tinakpan ng damit niya ang ilong niya.

"Arte." Saad naman ni Makoy.

Natawa nalang ako sa kanila, sana may ganito din akong mga kaibigan tulad nila.

"Hoy! Yanna wala ka bang kaibigan 'man lang dito?" Tanong naman ni Makoy habang kumakain pa rin.

"Wala, kayo pa lang." Saad ko naman.

"Kaibigan ka ba?" Tanong naman ni Ely, halatang nang-aasar.

"Foul, nang-babara." Reklamo ko naman dahilan ng pagtawa nila. Napansin ko rin na ang baho nung kinakain ni Makoy, teka ano ba kasi yun?

"Makoy, halika nga dito." Saad ko naman.

"Hala! hindi pa ko ready sa mature roles, Yanna."

Luh, gago ba 'to?

"Tanga." Saad ko at natawa naman siya.

"Ano ba kasi 'yun?" Tanong naman niya.

"Basta sumunod ka na lang."

Sumunod naman siya, infairness masunurin.

————

Nakarating  na kami dito sa may mga turo-turo.

"Pumili ka na kung anong gusto mo, 'wag ka nang mahiya." Saad ko at kumuha ng isaw at isinawsaw sa suka na mahalang.

"Gagi totoo ba 'to? baka budol 'to 'ha." Tanong naman niya.

"Totoo nga, 'wag ka nang mahiya dahil ikaw rin naman magbabayad." Sagot ko naman, bigla naman siyang napasimangot kaya natawa ako sa reaksyon niya.

"Fake friend ka." Saad niya.

"Huy joke lang! ito naman masyadong naniniwala agad, libre ko 'wag kang mag-alala." Saad ko at nagsimula na kumuha ng kwek-kwek.

"Ayun!" Saad niya at kumuha na rin.

Basta talaga libre ang saya. Kumuha na rin siya ng  ng kwek kwek at isaw, gagi bakit ang sarap ng isaw dito?. Nang makarami na kami ay nag-apir kami at tsaka binayaran ko na yung kinain namin.

"Sana pala lagi tayong magkasama para araw-araw libre." Saad naman niya.

"Ulol, ngayon lang yan." Biro ko at tumawa naman kami at dumiretso na ulit sa dorm ni Ely.

"Oh, saan kayo galing?" Tanong naman ni Buds.

Nakatingin lang si Ely sa amin ni Makoy, kung makatingin parang may ginawa akong kasalanan 'ah.

"Kumain bakit?" Sagot naman na Makoy.

"Ay wow! may pera ka pala, bakit 'di mo 'man lang kami naisipang ilibre." Reklamo naman ni Ely.

"Ganun talaga kapag may burgis kang kaibigan." Biro naman ni Makoy kaya agad ko siyang nahampas.

"Burgis ka dyan, naawa lang ako dyan." Biro ko at tumawa kami ni Makoy at nag-apir pa.

Bakit ba ang hilig namin mag apir? jusko.

"Dapat dinamay mo na kami." Pagtatampo naman ni Rayms.

"Huy, 'wag na kayong magtampo bawi ako next time." Saad ko.

Mukha naman silang batang binigyan ng candy nung sinabi ko yun.

"Sige, balik na ko sa dorm ko bye!" Pagpapaalam ko.

Namaalam na din sila sa'kin. parang ang saya nga ni Ely nung lumabas ako, napaka-hayup talaga.
Agad akong pumasok sa dorm at mukhang wala pa rin si Mela. Nahiga nalang ako at iniisip kung ano kayang pag-aaralan bukas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

kaheal_

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now