Raimund's letter for Julienne.
My Julienne,
Happy 1st anniversary! Oh diba, sabi ko naman sayo hindi lang dalawang buwan ang itatagal natin. Nakipag-pustahan ka pa kanila Shirleng noon, talo ka tuloy. Pero huwag kang mag-alala panalo ka naman sakin.
Sorry kung naging makulit o magulo akong tao, ang hirap magbago pero para sayo at para na rin sa sarili ko gagawin ko. Nandito ako ngayon sa Club Dredd hahaha, 'wag mo na tanungin kung bakit, alam mo na yun. Ang hirap pala na wala ka, parang unti-unti akong namamatay. Alam kong sinabihan mo na akong huwag kang bilhan ng kahit ano para sa anniversary natin pero knowing me, alam mo namang parang hindi yun mangyayari.
Sana nagustuhan mo yung singsing na binigay ko sayo, pasensya kana yan lang nakayanan ko ngayon pero 'wag kang mag-alala next year babawi ako. Pero sa ngayon promise ring muna maibibigay ko sayo.
Alam mo ba sa bawat pagtugtog ko, sobrang takot ako.
Takot ako sa posibilidad na baka bukas o sa future bawiin nila lahat ng meron ako, ang pag-aaral ko, ang banda, mga kaibigan ko, at ikaw. Takot ako sa posibilidad na lahat ng ito ay pansamantalang saya lang. Hindi ko pala kaya at hindi ko kakayanin.
Para akong unti-unting pinapatay ng mga naiisip ko sa bawat pagbangon ko tuwing umaga at tuwing nakikita ko ang ningning sa mga mata ng bawat tao na nakapaligid sakin na para bang ako lang ang nag-iisang namatayan ng liwanag. Handa akong mawala ang lahat pero yung mawala ka, hinding-hindi ko kakayanin.
Siguro sa buong lifetime ko sa mundong ito, ikaw lang talaga ang nag-tyagang makinig at umintindi sa akin. Araw-araw kitang pasasalamatan para sa araw-araw na ningning na ibinabahagi mo sa akin. Kung may mas malaking salita ang salamat, siguro nasabi ko na yun sayo.
Siguro tama ka rin. Hindi ako naging mas mabuting tao, katulad lang nila akong lahat. Alam kong walang magagawa yung sorry ko pero I'm really really sorry for hurting you. Ngayon ko nare-realize na ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Pasensya na sa lahat ng nagawa kong hindi maganda. Pero narealize ko rin na kung walang tayong sakit na nadarama, wala rin sigurong pagmamahal na namamagitan.
I love you so much. Please accept this roses as a sign of my undying love for you.
Raimund
——————————————————————————
Happy 6k reads!! thank you sa lahat ng supporta at sa patuloy na nagbabasa ng Aliyanna. Aaminin ko, may katagalan yung pagrerevise ko kasi until now nahihirapan pa rin ako magrevise hahaha. Salamat sa pag-intindi! naa-appreciate ko talaga yung simpleng pagbasa, vote at comments niyo dito sa mga sinusulat ko. Thank you so much.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...