Tandang Sora
Y a n n a
Nandito kami ngayon nila Buddy at Julie kay Tita Beth.
"Anong plano nyo ngayong sembreak?" Tanong ko sa kanila.
"Wala, dito na lang siguro ako." Saad naman ni Shirley.
"Ako rin dito lang, tinatamad akong umuwi." saad naman ni Marc.
"Ang sabihin mo lang gusto mong makasama si Shirley." Kantyaw ko naman at nagsimula na silang asarin din sila Makoy at Shirley.
"Ako dito lang, wala naman akong dadatnan sa bahay." Saad naman ni Julie.
"Hindi ko pa alam kung uuwi ako." Saad ni Rayms.
"Dito lang ako." Tanging saad ni Buddy.
"Ano ba yan! bakit ba hindi na lang tayo pumunta sa isang lugar o kung kanino mang probinsya." Suggest naman ni Buendia.
"May point ka dyan since wala naman tayong pupuntahan pero ayun nga, saan tayo pupunta?" Tanong ko naman.
"Edi sa amin." Saad naman ni Buendia.
"Seryoso ka?" Tanong naman ni Mela.
"Mukha bang hindi?" Sarkastikong tanong naman niya kaya inirapan lang siya ni Mela.
"Para masaya bakit hindi na lang tayo pumunta sa bahay niyo Ely tapos punta tayo sa bahay nila Rayms para overdrive tayo." Suggest naman ni Buddy.
"Oo nga, pwede nga yun." Paga-agree naman ni Felix.
Oo kasama namin siya ngayon para naman hindi malungkot si Mela.
"Sige, sinong sasagot sa pamasahe natin papunta kanila Rayms?" Tanong naman ni Julie.
Uminom lang ako ng soft drink habang tinitignan sila. Ayan kasi! magpla-plano tapos hindi naman pala sagot ang pamasahe.
"Oo na, ako na! basta magdagdag kayo kahit konting pera 'man lang." Saad ko naman.
"Ayun!"
"Galante naman pala." Saad naman ni Rayms.
"Oh, ano pang hinihintay niyo? gusto niyo bang sumama?" Tanong naman ni Buendia.
"G!" Sagot naman namin.
"Overdrive tayo!" Sigaw naman ni Makoy.
"Hoy mga bata kayo! ang lalakas ng boses niyo!" Pagsusuway naman sa amin ni Tita Beth.
"Ay, pasensya na po tita," Paghingi naman ng paumanhin ni Buddy habang bumalik naman sa panonood ng tv si Tita Beth.
"So, kailan punta natin sa inyo Ely?" Tanong naman ni Felix.
"Bukas."
"Agad-agad?!" Tanong naman ni Shirley.
"Agad-agad." Saad naman ni Marc at kinindatan si Shirley.
"Tara na girls, mag-ayos na tayo ng gamit para sa ating overdrive." Yaya naman ni Julie
—————
"Magdala ba tayong pang-swimming?" Tanong naman ni Shirley.
"Oo, paniguradong may swimming na magaganap." Saad naman ni Mela.
"Excited na ako!" Saad naman ni Julie at nagtatalon pa.
Nilagay ko na sa bag ko ang mga dadalhin kong damit at syempre dadalhin ko yung ibang dress na binili namin nila Shirley at Julie noong nakaraang araw. Nilagay ko na rin ang mga essentials ko at ang sketch pad ko.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...