Chapter 6

133 7 0
                                    

Toyang

Y a n n a

Nandito ako ngayon sa dorm, ayoko muna tumambay kanila Rayms kaya dito muna ako.
Nakita ko naman na pumasok si Mela at may dalawang  babae siyang kasama.

"Uy Yanna." Bati naman sa akin ni Mela.

"Hi Mel- Shirley?!"

"Ligaya?!"

"Shirley! omg long time no see." Saad ko naman at bigla naman niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Hala magkakilala kayo?" Tanong naman ni Mela.

"Oo, kababata ko kasi si Shirley." Saad ko naman kaya napatango na lamang siya.

"Ito nga pala si Julie, ka-dorm natin sila." She said as Julie smiled at me.

"Hi! I'm Yanna." I introduced myself.

Nag 'hi' din naman siya sa akin. Wala naman masyadong ganap dito sa dorm ngayon ko lang din nalaman na type pala ni Rayms si Julie. Habang nagbabasa ako ay biglang may kumatok sa dorm namin kaya pinuntahan naman ito ni Shirley.

"Ligaya, may bisita ka." Saad naman ni Shirley.

"Sige, sandali lang." Saad ko naman at pinuntahan na ang so-called bisita ko. Nakita ko si Marc at si Buddy.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila. Syempre patampo effect muna ako kahit hindi na naman ako nagtatampo.

"Huy, 'wag ka nang magtampo sa amin." Saad naman ni Buddy.

"Psst Yanna, bakit tinawag ka 'nun na Ligaya?" Tanong naman ni Marcus.

"Joy kasi second name ko, tinagalog lang niya." sabi ko naman

Napa 'ahh' na lang sila.

"Tara labas tayo, punta ka sa gig namin." Yaya naman ni Buddy.

"Wait lang." Saad ko at kinuha ko ang wallet, susi at jacket ko at sumama kanina Marc.

"Pucha, 'di niyo naman sa'kin sinabi na magma-marathon pala tayo." Hingal kong saad habang hinahabol ang hininga ko.

Jusko ang bibilis kasi nilang tumakbo, daig pa ang kabayo kung makatakbo. Tumawa lang sila at nakita ko si Ely at Rayms na naghihintay.

"Upo ka munadyan, wait lang baka sumalang na kami." Saad naman ni Makoy.

Umupo naman ako dun, meron dito na parang waiter kaya umorder muna ako ng drink, magwa-walwal ako ngayong gabi joke lang baka hindi ako makauwi nito, slight lang na inom.

"Hello mic check, mic check." Saad naman ni Ely habang chinecheck ang mic.

Nakita ko naman si Vicky dun sa may bartenders counter, bakit nandito 'yun? I mean yes open naman itong bar sa lahat pero hindi ba niya alam na may gig sila Ely dito? kung sabagay, ako nga hindi ko alam.

"Hello, we are the Eraserheads and this first song is our original song. We hope you'll like it. This first song is called Toyang." Saad naman ni Ely.

They try to tell us we're too young
Too young to really be in love

Bahay nami'y maliit lamang
Pero, pero, pero, pero malinis 'to pati sa kusina
Kumain man kami'y laging sama-sama
Pen, pen, pen de sara pen, de kutsilyo de armasen
Haw, haw, haw de carabao, de carabao de batuten
Pengeng singko pambili ng puto
Sa mga tindera ng bitso-bitso

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now