chapter 52

100 5 4
                                    

Y a n n a

-50 ka na sa langit

nandito ako ngayon sa dorm kasama sila Julie, nililigpit na namin ang gamit namin since graduate na kami at kailangan na namin umalis dito sa dorm.

"oh basta Yanna next week na yung mo gig mo 'ha wag kang papalate" sagot naman ni Julie

tumango naman ako sa kanya

1 taon na ko sa modeling industry, noon ko lang kasi naisipang pumasok sa agency na na sinasabi ni Julie since kailangan ko noon ng part time job.

"Julie pakisabi naman kay Josie na sa miyerkules nalang ako pupunta sa sukatan ng gown 'ha" sabi ko naman

tumango lang siya at winalis ang mga kalat namin

"jusko mamimiss ko itong dorm natin" sagot naman ni Mela at kinapitan ang dingding

"eh kung dito sa may tagong part ilagay natin full name natin dapat permanent para di na maaalis" sagot naman ni Shirley

"at ngayon mo pa talaga naisipang mag vandal 'ha" sagot naman ni Julie

"Jusko parang hindi siya nakisama kay Rayms na magvandal dun sa may lamesa sa CASAA tsk tsk" sagot naman ni Mela

Nanlaki naman ang mga mata namin

"aba ikaw nga nahuling nakikipagmomol sa sinehan" sagot naman ni Julie at ngumisi

"nako po, laglagan na" kantyaw naman ni Mela

Hindi ko na sila pinansin at nanatili nalang naglagay ng gamit ko sa kahon ko.

Meron kasi akong nakuhang condo dito sa may QC, sinabi ko na rin kanila mama na dito na lang muna ako sa Manila since may trabaho ako dito

May bigla namang kumatok sa dorm namin agad naman kaming napatingin sa may pintuan.

Pagkabukas ko nito ay bumungad sakin ang limang ugok na 'to kasama nila si Earnest. May dala dala pa silang plastic

"oh kumain na ba kayo?" tanong naman ni Rayms

Umiling naman kami

Pinapasok naman namin sila, dumiretso ako dito sa may kusina namin sumunod naman si Ely

"kamusta ang paghahakot?" tanong niya

"ayus naman medyo marami kaming box na hahakutin pababa" sagot ko naman habang hindi siya tinitignan dahil abala ako sa paglalagay ng gamit ko dito sa kahon ko.

"mamaya mo na yan gawin kumain ka muna" aniya at inilabas ang barbecue at kanin sa plastic

"sige paunahin mo na sila" sagot ko naman  at ipinagpatuloy ang paglalagay ng gamit ko

Kinapitan naman niya ang braso ko, napahinto ako at napatingin sa kanya

"diet ka ba?" tanong naman niya

"hindi bakit?" tanong ko naman

"ang payat mo na, parang di ka nakain" sagot naman niya

"haynako ganyan lang talaga yung katawan ko, kahit anong kain ko di naman ako gaano tumataba" sagot ko naman

"ouch, ok lang yan mga baby fats ko" aniya naman niya at kinapitan pa ang tiyan niya

Napatawa naman ako

"mag gym ka kasi" sagot ko naman

"ihh ayoko" sagot naman niya

Hinugasan ko ang kamay ko

" oh edi wag kang magreklamo dyan" sagot ko naman

"di naman ako nagrereklamo" bulong naman niya

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now