Gusto ko siya
Y a n n a
Tang ina, ang sakit ng ulo ko. Akala ko pa naman tutulungan nila akong malutas ang problema ko kanila Zabala at Buendia.
Habang naglalakad ako ngayon papunta sa klase ko ay nakita ko ang Heads. Bakit ba kasi naisipan nilang uminom kahapon? hindi ko tuloy sure if makakapasok ako ng maayos.
"Yanna, anong nangyari sayo?" Tanong naman ni Buds.
Tinignan ko naman ng masama sila Rayms habang nagpipigil siya ng tawa habang si Marcus naman ay nakatulala, mukhang bangag kaya tinulak ko ang noo niya.
"Aray puta!" Daing naman niya.
"Nomi pa." Saad ko naman kaya napatawa si Rayms.
"Gago talaga kayo." Saad ni Rayms.
"Minsan lang naman." Saad naman ni Makoy.
"Sige, una na ako." Pagpapaalam ko naman at tumakbo na sa klase ko, sakto naman na nadatnan ko si Shirley.
"Ano ka ngayon." Kantyaw ko naman.
"Ang sakit ng ulo ko, inaatok pa ako." Saad niya.
"Hindi na nga pumasok si Mela, bagsak 'dun sa dorm." Pagkwe-kwento ko naman sa kanya.
"Ang cute niyo kagabi ni Marcus." Saad ko at bigla naman siyang nagblush.
"Pinagsasabi mo?" Tanong naman niya habang hindi makatingin sa akin.
"Sinabi lang naman kasi ni Marucs kagabi na pakasalan mo daw siya." Saad ko at tinawanan siya.
"Langya ka! wag mo na ipaalala." Iritang saad naman niya.
"Bakit ka namumula?" kantyaw ko naman kaya mahina niya akong itinulak.
"Yanna, mag focus ka na lang tsaka hello, ang dami nating requirements na kailangang ipasa at yung mga lalaki mo kailangan mo pa ientertain." Inemphasize niya pa talaga yung mga lalaki.
"Grabe ka naman sa mga lalaki, wala naman ako 'nun."
"Gago ka ba? ka-tropa mo lang yung mga may type sayo except na lang 'dun si Marc at si Rayms." Saad niya.
"Sus, gusto mo lang si Marc." Kantyaw ko naman.
"Ano naman kung gusto ko siya?"
Wow! ang tapang naman niya, tignan natin ngayon.
"Aba dapat sa akin mo na lang sinabi, 'wag na dyan kay Yanna kasi dami na niyang labidabs." Saad naman ni Marcus. Tsk, para talagang kabute.
"Huh? w-wala akong sinabi." mautal-utal na saad ni Shirley.
"Shirley, tsk nahuli na kita sa akto." Saad ni Makoy.
"Gustong-gusto mo naman, parang kailan lang nagpapareto kayo—"
"Yanna!" "Ligaya!" Sabay nilang sigaw.
"Aba! edi kayo na, nagtatampo ako sa inyo 'ha dyan nga kayo." Saad ko naman at dumiretso na sa klase ko.
Nakita ko namang napa-iling si Marcus at ngumisi kay Shirley.
—————
Nandito kami ngayon ni Julie sa CASAA, dito na namin napagdesisyonan na kumain. Hinihintay naman namin si Shirley ngayon, Si Mela naman hindi na talaga pumasok dahil lasing na lasing siya. Ang gago kasi ni Marcus pinainom pa si Mela kahit alam naman niyang mababa ang alcohol tolerance niya.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...