Y a n n a
Araw-araw
"Yanna di 'ko makita yung lipstick ko" medyo inis na sagot ni Julie
Jusko kanina pa namin hinahanap 'yang lipstick na yan
"Julie marami ka panaman 'atang lipstick ehh hayaan mo na" sagot 'ko naman.
Nahiga naman ako sa kama at pumikit
"Ihh may sentimental value yun saken" sagot nya
"Sino ba nagbigay sayo nun?" Tanong naman ni Shirley
"Yun yung bigay ni Yanna" medyo mahina nyang banggit
Napamulat naman ako at napaupo
"Anong sabi mo?" Tanong ko
"Yun yung bigay mo sakin" medyo nahihiya nyang sagot
"Julienne Reynoso!" Sigaw ko naman
"Woy sorry na!" Sagot naman nya
"Hanapin mo yun mahal mahal ng bili ko dun sa limited edition na lipstick na yun" sagot ko naman
"Hayst, tangina tigilan mo nga ako nagguguilty tuloy ako" sagot naman nya
"Aba dapat lang, pano ka madadala nyan" sagot ko naman
"Shirley tulungan nyo nga ko" inis na sagot naman nya
Pumunta naman ako sa kusina at naupo
Nagluluto naman dito si tita
"Oh anong nangyari? parang kanina pa kayo may hinahanap ahh" tanong naman ni Tita
"Hinahanap po kase ni Julie yung bigay ko sa kanyang lipstick" sagot ko naman
"Ay may nakita akong lipstick dun sa may baba upuan baka yun yun" sagot naman ni Tita
"Ay baka yun na nga po yun, pasensya na po ang burara po kase ni Julie" sagot ko naman
"Yanna maiba tayo, sa tingin mo may gusto sayo sila Ely at Buddy?" Tanong naman nya
Bigla naman nanlaki ang mata ko
"Wag kang mag alala wala ni isa sa mga kabarkada nyo ang nagsabi sakin sadyang napapansin ko lang" sagot naman ni Tita
Umupo naman si Tita sa tapat ko
"So ano nga Yanna?" Tanong nya
Napabugtong hininga naman ako
"Alam mo tita sa totoo lang naguguluhan na ako. Alam mo yun magpapakita sila ng motibo pero parang kaibigan lang talaga basta ang komplikado tita" sagot ko naman
"Baka ikaw naman ang nagpapakomplikado ng sitwasyon" sagot naman ni tita
Napakunot naman ako ng noo
Ako? As in ako?
"P-paanong ako tita?" Tanong ko naman
"Anak baka naman kase yun ang paraan nila ng pagsasabi na gusto ka nila, alam mo yun. Minsan nakikita ko rin kayo nila Buddy at Ely na parang naglalambingan" sagot naman ni tita
Nanlaki naman ng mata ko
"Tita alam mo hindi ko talaga maintindihan alam mo yun si Buddy napaka swerte ko sa kanya kase ang bait nya, madaldal basta tita ang matulungin nya . Si Ely naman hayst minsan gusto ko na syang patayin pero masarap naman yung kasama ehh basta isa rin sya sa laging nagpapasaya saken" sagot ko naman
"Eh kung ganun naman pala eh bakit hindi sila tapatin kung may gusto sila sayo" sagot ni Tita
Napaisip naman ako. Nakakahiya pero gusto ko na din kasing malinawagan ehh
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...