Chapter 23

110 4 2
                                    

Y a n n a

Bagay kayo ni Kuya

Ilang araw na ang lumipas at ngayon kami paalis galing Naga, pupunta naman kami ngayon kanila Rayms sa Candelaria

Bale inaayos na nanamin yung gamit namin dito pumasok naman sila Lally at Elyra dito

"Oh Lally ang aga pa ah" sabi naman ni Mela

Bigla naman akong niyakap ni Lally niyakap naman ni Elyra si Shirley

"Ate mamimiss kita, kayo mamimiss ko kayo sana sa susunod na sembreak bumalik ulit kayo dito kasama ni Kuya" sambit naman nya

"Lally mamimiss ko rin kayo nila Tita, wag mong kakalimutan yung bilin ng kuya mo at namin ha wag ka muna mag b-boyfriend mabubugbog yun ng kuya mo sige ka" sabi ko naman at napatawa kami

Sinabihan kase ni Ely si Lally at Elyra na wag muna sila mag b-boyfriend bubugbogin daw nila yun hahaha

"Pero pakabait kayo ha, hindi namin alam kung makakapunta ulit kami dito sa sembreak" sabi ko naman

Bumitaw na kami sa aming yakapan at sunod naman akong niyakap ni Elyra

"Ate... Mamimiss kita balik ka ulit ha bagay pa naman kayo ni Kuya" sabi naman nya

Nagpipigil naman sila Julie ng tawa sinamaan ko rin sila ng tingin

"Nako Elyra hindi kame bagay nun tsaka may shota na yung kuya pero mamimiss din kita" sabi ko naman

"Ha? May shota si Kuya? Bakit di nya saken sinasabi akala ko ba ako lang makakaalam ng secret nya" sagot naman nya

Napatawa naman ako sa kanya ang cute nya lang tignan

"Girls tara na daw" sabi naman ni Josh

"Sige aalis na kami Lally, Elyra pakabait kayo" sabi naman ni Julie

Aba wow pwede pala tong role model ehh joke lang baka kung ano anong ituro nito sa bata hahaha

Lumabas na kami sa kwarto dala dala ang bag namin

Niyakap namin sila Tito at Tita at nagpasalamat dahil pinatuloy nila kami dun

Umalis na kami at pumunta sa sakayan ng Jeep papuntang Candelaria mga 5 oras daw ang biyahe dun

Sumakay na kaming jeep at gaya noon kalong-kalong namin ang aming mga bag

Katabi ko si Shirley at Julie hayst salamat at di ko katabi si Hector at Buendia

"Hoy Shirley lq ba kayo ni Marc ngayon?" Tanong ko naman

"Kaya nga kanina pa kayo hindi nagpapansinan ah" pagkantyaw naman ni Julie

"Hayst basta naiinis ako sa kanya" sagot naman nya

Nagtinginan naman kami ni Julie

"Selos ka ba dun sa babaeng kinausap nila sa may court?" Tanong ko naman

May kinausap kase sila Marc at yung kuya ni Buendia na babae nung naglaro silang basketball

"Luh di kaya ba't naman ako magseselos? Kami ba para magselos ako?" Tanong naman nya

"Selos nga" sagot naman ni Julie

"Juliee" inis na sambit naman ni Shirley

"Ano? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ehh" sabi naman ni Julie

"Hindi kase porke't hindi kayo hindi ka na pwedeng magselos" sabi naman ni Mela na na katabi ni Julie

"Luh Mela, ayusin mo muna relasyon nyo ni Josh bago ka sumawsaw" sagot naman ni Shirley

"Hayst ewan ko sayo, Marc yung shota mo tinotoyo" sabi naman ni Mela

Nanlaki naman ang mata ni Shirley at napatawa kami ni Julie

Ayan nanaman maghaharutan nanaman

"Hep! Bago ka magsalita pwede bang wag kayong magharutan o magsuyuan sa harap ko" sagot ko naman

"Tsk bitter" sagot naman ni Buendia

"Hoy Buendia manahimik ka dyan" sagot ko naman

Sinuklian nya lang ito ng ngisi

"Madapa ka sana" bulong ko naman

"Haynako Yanna wag kang manhid may dalawang kanina pa nagnanakaw ng tingin sayo" bulong naman ni Julie

"Julie tigilan mo ko" sabi ko naman

"Mama mo tigilan mo, hayst basta kanina pa nagnanakaw ng tingin mga lover boy mo" bulong naman nya

"Huh? Sino?" Tanong ko naman

Tumingin naman saken ng deretso si Julie

"Ano ba? Naligo kaba sa swimming pool na puno ng anesthesia? sino pa ba edi si Buendia at si Zabala jusko wag mo na nga akong kausapin nababad trip ako sayo" sagot naman nya

Luh ang init talaga lagi ng ulo nito

Dahil mahaba pa ang biyahe at pinatong ko muna ang ulo ko dito sa bag ko at umidlip

~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~
Napamulat ako ng maramdaman na parang tumigil kame

"Nasaan na tayo?" Tanong ko naman

"Ewan ko nasiraan ata tong jeep ehh" sagot naman ni Shirley

Nagsibabaan naman ang ibang pasahero kasama kami

"Pano na 'to?" Tanong naman ng isang pasahero

"Kaya nga ehh jusko bakit ngayon pa" sabi naman ng isa pang pasahero

"Pasensya na po nasiraan po kase yung jeep ni Manong" sabi naman ni Josh

"Manong di nyo po ba 'to napaltan ng langis?" Tanong naman ni Josh

"Hindi tutoy eh" sagot naman ni Manong natawa naman kami nung tinawag nyang tutoy si Josh

"Kelangan na po kase nitong paltan ng langis kelangan po natin ngayon ng langis meron po ba ditong malapit na talyer?" Tanong naman ni Josh

"Merong talyer tutoy kaso dun pa ang yun" sabi ni manong at tinuro kung saan

"Ah Marcus, Rayms samahan nyo ko kukuha tayong langis dun" sabi naman ni Josh

"Luh ayaw ko nga si Buddy na lang isa mo" sabi naman ni Marc

"Ayoko rin si Ely nalang sama mo" sabi naman ni Rayms

"Haynako tayo na nga Buddy wala tayong maasahan dito sa dalwang 'to" sabi naman ni Ely

Tumango naman si Buddy at sumama kay Josh at manong

Tumingin nalang ako dito sa may mga palayan wala na rin naman akong gagawin ehh

Kinuha ko naman ang sketch pad ko at lapis at drinawing ang palayan dito

Habang nag s-sketch ako ay

"Haynako Yanyan sino pipiliin mo si Buddy o si Ely?" Tanong naman ni Rayms

"Anong klaseng tanong yan?" Tanong ko naman

"Anong klaseng sagot yan?" Tanong naman nya

"Haynako Rayms si Marc nalang kausapin mo" sagot ko naman

"Wala hindi ko yun makakausap ngayon nagsusuyuan yung dalwa ehh" sabi naman nya tinignan ko naman sila

Tangina tama ba tong nakikita ko nakaluhod si Marc at parang humihingi ng tawad habang si Julie at Mela naman halos mangiyak-ngiyak na kakatawa

Jusko talaga bakit ko sila kaibigan...

Aliyanna - Eraserheads fanficWhere stories live. Discover now