Y a n n a
Tumakbo ako papunta sa room namin habang umiiyak. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, sobrang sikip ng dibdib ko ngayon. Hindi ko matanggap na may anak na pala siya, kaya pala sa loob ng 4 taon na wala siya sa tabi ko, andun lang pala siya sa tabi ni Vicky.
Agad kong kinatok ng paulit-ulit ang pinto at kinig ko ang iritang sigaw ni Julie nang buksan niya ako ay agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanya.
"Ely, c-cheated on me" paulit-ulit kong sinabi sa kanila hanggang sa naintindihan niya ang sinasabi ko kaya hindi siya nagkapagsalita agad, tangging iyak ko lang ang naririnig.
"T-Tangina..." aniya at napaupo siya.
"Tangina niya, may a-anak pala siya" ani ko naman.
"Don't tell me..." Aniya at napatakip siya nang bibig at umiling-iling.
"Oo, putangina nagawa pa niyang bumuo ng anak kay Vicky!" galit na galit kong ani ko at pumatak na rin ang luha niya.
"and again this is NU 107 and for the new song this is one of the song of our greatest rock band, this is Ang Huling El Bimbo by Eraserheads!"
Bigla naman nagplay ang intro ng huling el bimbo kaya mas lalo akong naiyak.
Kamukha mo si Paraluman
Nu'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Cha-ChaNgunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo"Sige, iiyak mo lang..." si Julie at hinug niya ako.
Pagkagaling sa 'skwela
Ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo akoMagkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay"Pakitawagan si Rayms, uuwi na ko..." ani ko at tumango naman siya. Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko at inayos.
"Kikitain ka raw ni Rayms sa may babaan ng bus, oh basta Yanna, wag kang gagawa ng katangahan dahil wala ako dun para bantayan ka" aniya at napatawa naman ako.
Ganun ba ko katanga para 'di mapansin na meron siyang anak? Akala ko pa naman sakin lang siya magkakaanak in the future pero mas naunahan pa pala ako ni Vicky. Maybe hindi lang talaga kami meant to be, maybe we are soulmates and soulmates never end up together.
Akala ko totoo na ang lahat nang sinabi niya last year yun pala isa nanamang kasinungalingang niya.
Nag-iwan si Julie ng note sa may table at tsaka hinatid niya ako sa may van papuntang sakayan ng bus pauwi ng Manila. Nang makarating ako sa sakayan ng bus ay agad akong umupo sa may pinakalikod, yakap-yakap ko ang bag ko na puno ng damit pang bakasyon na dapat gagamitin ko bukas.
Napabalik naman ako sa ulirat ng may tumabi sa akin, at nagulat ako dahil si Dio na bakasyunista rin dito.
"Oh nice to see you again, Ms. Yanna Claveria" bulong naman niya.
"Nice to see you again, Mr. Dio Ardiente" I tried to smile genuinely but I failed to do that.
"Wanna talk about it?" tanong naman niya. I look at him straight into his eyes, mukha namang katiwa-tiwala siyang tao.
"Nagloko yung boyfriend ko for 4 years" ani ko at muling gumulong ang luha ko sa aking pisngi.
Agad naman niyang ibinigay ang panyo niya sa akin.
"Gago pala yung boyfriend mo eh" aniya kaya napangiti na lang ako ng mapait.
"Ako naman si tanga, nagpabola sa kanya" ani ko naman at nagsimula nang umandar ang bus.
Walang masyadong nakakaalam na kami ni Ely, dahil we thought we just want to make our relationship private but not a secret. We just wanted to have our own peace but I guess hindi na yun mangyayari dahil nagloko na siya, ginawa niya kong tanga.
Unti-unti naman akong hinila ng antok, nagising na lang ako sa pagtapik sa akin ng katabi ko.
"Yanna, andito na tayo sa terminal" aniya kaya nawala ang pagkaantok ko at napaayos ng upo.
Nakahilig na pala ang ulo ko sa balikat niya kaya agad kong inayos ang upo ko at kinapitan ang pisngi ko dahil baka mamaya may laway pala nakakahiya naman yun.
"S-Sorry" ani ko at bumaba na kami ng van.
"I guess this our stop" aniya.
"Thanks for keeping me accompanied" ani ko at nginitian siya.
"No worries" aniya at may inabot sa akin na card.
"Call me when you need someone" aniya at ngumiti tsaka umalis.
I just look at the card with his number on it.
"Yanna!"
Napatingin naman ako kay Rayms na nakasandal sa kotse niya habang iniintay ako. Lumapit naman agad sa kanya at isinakay namin sa backseat ang mga gamit ko.
"Sorry medyo natagalan" ani ko at pumasok na sa kotse kaya pumasok na rin siya.
"Okay lang ano ka ba" aniya at nagsimula na magdrive.
"Saan tayo?" tanong ko naman sa kanya.
"Dyan lang" aniya at napatango na lang ako at tumingin sa bintana.
"Siguro aware ka naman kung bakit ako umuwi" ani ko naman habang tinitignan ang dinaraanan namin. Gabi na rin kasi kaya kailangan maingat talaga.
"Nasabi nga ni Julie" aniya at patuloy parin sa pagmamaneho.
Bigla naman niyang tinigil ang sasakyan niya at bumaba kaya bumaba rin ako.
"Lagi kong dinadala dito si Julie kasi eto yung comfort place ko" aniya at may kinuha sa backseat.
"Wow..." ani ko naman ng makita ang city lights.
"Yeah, yan din yung sabi ko noong una akong makapunta dito" aniya at inabutan ako ng beer.
"Gago rin yan si Ely" aniya at napailing-iling.
"Kung hindi pa pala ako pumuntang La Union baka hanggang ngayon hindi ko parin alam na may anak na siya" ani ko sabay inom ng beer.
"Sobrang fuck up na nabuntis niya pa yung ex niya knowing that he has a girlfriend" aniya.
"Kelan mo lang nalaman?" tanong naman niya.
"Nung naabutan niyo kaming nag-aaway sa studio" aniya kaya napatingin ako sa kanya.
"Tapos hindi niyo man lang sakin sinabi?" ani ko naman habang nakakuyom ang kamay ko.
"Sabi niya kasi wag namin siyang pangunahan dahil gusto niya siya yung personal na magsabi sayo kaso naunahan mo" aniya kaya napaupo na lang ako dito.
"You know what?"
"What?" tanong ko naman.
"I like you before kaso when I found out na gusto ka ni Ely and Buddy I accepted na hanggang friends lang tayo" aniya kaya natigilan ako.
YOU ARE READING
Aliyanna - Eraserheads fanfic
FanfictionCollege life was either enjoyable and stressful too, but would it be so stressful if you transferred from another university? Aliyanna, a college transfer, was just an ordinary party girl, and she didn't quite expect that one day her college life w...