Chapter 28 : Mrs..

4K 131 10
                                    

  Tiffany's POV

Napag-utusan kami ni Suho para bumili ng kama, cabinet, table, chair, at kung anu-ano pa para dun sa guess room. Kasama namin si Kris at Sehun, bored ata kaya sumama samin ni Luhan. Pero okies na rin yun, atlease may taga buhat.

Palabas na kami ng bahay ng biglang may sumigaw sa may likod namin..

"UYY!! SAN KAYO PUPUNTA?!" napalingon naman kaming lahat at nakita namin si Sunny na tumatakbo papunta samin, dumaan ata dun sa may kitchen door eh

"Sa mall, napag-utusan kami ni Suho hyung.." sagot ni Sehun

"Ganun ba? Sama ako, pwede?" nag papacute na tanong niya. Sasagot na sana ako ng may biglang nag salita sa may likuran namin, si Xiumin pala

"Sasama ka araw? Sama rin ako!" 

"H-ha?! Wag na! Hindi pwede.." nakatungong sagot ni Sunny

"Bakit naman? Sus, ayaw mo lang ako kasama eh." saka niya inangat yung ulo ni Sunny, pulang-pula na ang mukha ni Sunny at ang tenga nito. Bakit naman?

"A-anong ayaw? Gusto ko kaya.." Mahinang bulong ni Sunny

"Noona, dinig ko yun!" sabi ni Sehun

"Yiiee, kailangan pa ba akong kumain ng San Marino?" mas lalong na mula si Sunny, Anyare ba?

"Ano yun hyung? SHARE!" sabi ni Luhan, pero teka nga. Pansin ko lang parang ang tahimik ni Kris-wu? but why kaya?

"W-wala yun noh! TARA NA NGA!" saka tumakbo si Sunny dun sa gate at binuksan iyon. Hihiramin namin ngayon yung kotse ni Chanyur, nag paalam na rin naman kami eh.

Sumakay na kami sa AUV ni Chanyeol, nag prisinta nang mag drive si Kris-wu, nasa shotgun seat naman umupo si Sehun at kami naman ay sa passenger seat nina Sunny, Magkatabi kami ni Sunny habang sina Luhan ay nasa likod katabi si Xiumin.

Tahimik kaming nakarating sa mall, buti nalang ay hindi gaanong traffic kaya mabilis kaming nakarating sa mall. Bababa na sana ako ng pag buksan ako ni Luhan. EHEM

"Selemet.." lumabas naman akong nakatungo, bakit ba? Kinikilig aketch!

"Ang harot ni noona.." napalingon ako sa nag salita, si Sehun pala. Psh!

"Maharot agad? Selos ka lang eh" natatawa kong sabi saknya, inirapan niya lang ako saka niya nilagay yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya at naunang pumasok sa mall,

At dahil nga may dala akong bag ay pinacheck ko pa dun sa guard. Akala mo naman may lamang kung anong weapon yung bag ko! Duh! My pink gucci bag, may baril?! Nah~ mabigat yun, di ko keri ang mag buhat non at sa beauty kong to?! Bagay ba sakin na may dalang ganung kaeklavuhan?

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon