Chapter 33 : Kiss You [part 2]
[A/N : Wag kayong magalit kay Eunji, para n'yo ng awa. Choss, lilinisin ko pangalan niya. Charr lang. 'O ayan na, basa na!]
(Song : Kiss you by Karylle)
- - - - - - - - - - - - - - -
SEHUN's POV
"Ah, teka lang ha, cr lang ako." sabi ni Yoona at tumayo na, tinanguan ko lang siya at tuluyan na siyang umalis sa pwesto namin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang mawala na siya sa paningin ko.
Napatingin naman ako kay Eunji ng nilingon niya rin si Yoona na kasalukuyang nakalayo na. Bigla naman siyang napalingon saakin at may luha pang nag
tatanggakang umagos sa pisngi niya, pero bago pa yun lumaglag sa mga pisngi niya ay pinunasan ko na yun. Aish, ang hirap talaga patahanin ang mga babae.
Ngumiti naman siya saakin ng tipid, bago nag salita. "Bebs, sa-salamat ha *hik*" ngumiti naman siya ng malapad at nagulat nalang ako ng bigla niyang ilapit yung mukha niya saakin. Napalunok ako.
"A-alam mo ba *hik* crush kita noon *hik*" amoy alak na siya, mukhang lasing na talaga siya. "Pewo, hindi ikaw ang *hik* ang gusto cow!" tumawa naman siya ng mahina at medyo inilayo ang mukha niya saakin. Salamat naman.
.
.
.
"Alam ko.." sagot ko, pero alam ko rin kung sino ang gusto niya.
"Ay! hindi ko pala siya *hik* gusto." bigla namang sumeryoso ang mukha niya. "Mahal ko na siya." bigla namang may tumulong luha mula sa kaliwang pisngi niya, pero bago ko pa punasan yun, ay pinunasan niya na agad yun.
Tumawa nanaman siya ng mahina at ngumiti saakin. "Pero kasi, may mahal siyang iba." inilayo niya ang tingin niya saakin at tumungo siya.
.