Taeyeon's POV
Nandito kami ngayon sa bahay namin at nag uusap.
Sabi kasi ng Mommy ni Sunny na may sasabihin daw silang balita saamin.
Ngayon pinag uusapan nila ang mga gusto nilang katangian sa isang lalaki. Napapailing nalang ako. Tataas ng mga psngarap eh wala ngang nanlilugaw sakanila!
"Ako gusto ko yung lalaking lalaki, malaki ang katawan at may walong abs!" Ani Tiffany habang humahagikhik.
"Gusto ko yung funny guy na kaya akong pasayahin every seconds of my life. Tapos want ko din yung matangkad at matcho!" Sabi ni Sunny.
"Matangkad daw, tss! Mag mumukha kayong mag ama pag nag kataon gaga!" Sabat ni Jessica.
"Hindi naman ako kasing liit ni Taeyeon, no!" Aniya sabay tingin saakin. Hinagisan ko siya ng tsinelas dahil sa inis ko. Hindi hamak na mas maliit siya saakin!
"Tama na nga yan. Hayaan mo na si Sunny, Taenggo. Minsan lang yan." Natatawang sabi ni Yuri.
"Ikaw Baby Seo,ano type mo sa isang lalaki?" Tanong ni Hyoyeon, napatingin saamin si Seohyun at nilapag ang libro niya sa side table bago humarap saamin.
"Ah, wala naman akong masyadong gusto sa lalaki. Gusto ko lang yung makakasundo ko at kayang suklian ang pag mamahal ko." Sagot niya bago ngumiti.
"Ano ba yan Seo, dahil sa mga libro nagiging hopeless romantic ka na! Dapat yung mga tipo mo yung mala adonis ang katawan, ganon!" Sabat ni Sooyoung.
"Hindi naman sa ganon Sooyoung unnie. Ano namang gagawin ko sa lalaking gwapo kung masama naman ang ugali, hindi ba?" Natahimik kami dahil sa sinabi niya.
Oo nga naman, hindi naman yung mukha niya ang papakasalan mo kung hind yung buong siya. May punto talaga si Seohyun sa lahst ng bagay.
"Ako okay lang kahit ano basta Gentleman at hindi mayabang." Pag babasag ni Jessica sa katahimikan.
"Ako yung marunong mag luto at ung mauutusan okay na ako dun. Saka pogi rin dapat alangan namang maganda ako tapos yung magiging asawa ko pangit? Unfair sa magiging anak namin" Sabat naman ni Sooyoung.
"Yung mala Ji Chang Wook ayos na ako dun!" Nakangiting sabi ni Yoona.
"Ako gusto ko yung hindi manyak." Pakikisali ni Yuri sa usapan.
Napatingin kaming lahat ng biglang bumulas ang pinto.
Sinalubong namin sina tita at nakipag beso kaming lahat. Dumiretsyo ksmi sa sala psra marinig ang balita nila.
"Ah, may ibabalita kami sainyo. Pero wag kayong magugulat." Ani Tita Sunday.
"Ano po bang sasabihin nyo tita?" - tanong ni Sooyoung sa Mommy ni Sunny.
"Ano kasi— ikaw nalsng mag sabi." Ani Tita Sunday sa Mommy ni Tiffany.
"Ano ba yan Mom, binibitin niyo kami!" Reklamo ni Sunny.
"Ako na nga mag sasabi." Ani Tita Hyoli, Mommy ni Hyoyeon.
"Go lang mother earth!"
"Kasi nag kasundo kami ng mga Amigas namin na ipag kasundo kayo sa mga anak nila." Masayang sabi ni Tita Hyoli.
"Okay po— teka ano po?!"
Wait lang, tama ba rinig namin?
"Don't worry girls, mababait at mga gentlemans sila." Pag papagaan sa loob na sabi ni Tita Sunday.
"Mommy naman, e! Hindi niyo ba kami hahayaang mag decide kung sino ang gusto namin?" Apila ni Sunny.
"Oo nga po Tita! Bata pa po kami! Hindi pa po kami ready!" Protesta ko.
"Girls, business matter kasi ito. I promise you magugustuhan niyo din sila very soon. Saka hindi na kayo mga bata, kung hindi ngayon kailan pa kayo msgiging handa? We're here to help you girls. Stop acting like a child and be matured enough to face matters like this." Nakangiting sabi ni Tita Hyoli.
Natahimik kaming lahat at nag siiwasan ng tingin. Tingin ko pare parehas kaming tutol. Sino naman kasing matinong papayag ipag kasundo kayo sa hindi niyo kilala, diba? Wala ba kaming freedom mamili ng taong gugustuhin namin? Remote ba kami na kayang kaya lang nilang controlin?
Nag tagal pa ng ilang oras sila Tita at pinag usapan namin ang tungkol sa msgiging soon to be husbands namin. Wala nga akong masyadong maintindihan dahil una hindi ako interesado, pangalawa namomoblema ako. Teka, tama ba itong pinasok namin?
"Tita bakit dose sila? Nine kaming girls, so ibig sabihin tatlo saaming girls ang dalawa ang mapapangasawa?" Gulat na tanong ni Yoona. Hindi ko na napigilan st binatukan ko na siya agad.
"Gaga, kung gusto mo ikaw nalang." Sabi ko bago ko siya inirapan. Mag susuggest pa ang bruha. Mamaya gawin pa nila Tita yung idea niya. Nahihibang pa naman sila.
Pag makita ko talaga sila Mommy magagalit talaga ako. I can't believe this! Hinayaan talaga nila Daddy na ipagkasundo ako sa iba!
"Syempre ano ka ba naman hija. Nine lang sakanila ang mapapangasawa niyo.
"Ay, akala ko eh."