Taeyeon's POV
"Are you okay unnie?.." nag aalalang tanong sakin ni Seobaby, nginitian ko lang to bilang sagot..
Humarap ako sa dalwang mag shotang to. Tumingin muna ako kay Andy na patuloy ang pag tulo ng luha at uhog at nakakapit parin sa braso ni Chanyeol. Ang hayop!! Landi pa moreee!!
"Ako ayos?.." tumingin muna ako sa mga girls, "Oo naman, pero ito atang jowa ni Chanyeol ang hindi ayos. May sapak na ata eyh.." nginisian ko ito habang silang dalawa ay masama ang tingin sakin. Hahaha
"Sabihin ba namang tinulak ko siya?" tumingin ako kay Chanyeol ng seryoso, masama pa rin ang tingin niya sakin. May gusto ba talaga sakin tong kumag na toh? Char!! Haha, "Chanyeol, dahil nag mamagandang loob ang dyosa, ikwekwento niya ang buong story.."
"Taeng, ikwekwento ko na ba?" sabi sakin ni Hyoyeon kaya nilingon ko ito. Ang g*ga nito. Akala niya ba siya yung dyosa?! Tsk! Dream on gurl!
"Dahil nag mamagandang loob ang dyosa, ikwekwento ko na.." huminga muna ako ng malalim... breathe in breath out.. Haha! Wag kayo english yun. Wahaha
"Nakikita mo yun.." sabi ko dito saka itinuro ang munting CCTV dito sa dressing room, "Dyan.. dyan kami sa harap nag laro ng mga girls. Alam mo enjoy talaga kami eyh. Peksman!!" hahaha, poker face lang ang chonggo..
"At dahil nga nag kakasiyahan kami, umeksena ang g*ga na itatago nalang natin sa pangalang, Andy..." hahaha yung face niya guys! Hahaha di maipinta eyh. Kahit ata pinaka magaling na artist hindi ma-dradrawing yun eyh. Kahit si Kris at Sica pa. Wahahahard...
"So ayun nga. Sinabihan niya ang mga kaibigan ni dyosa pati na rin siya na mukhang t*nga, kaya inunsulto siya ng mga girls at inunsulto niya rin ang girls, kaya dahil nga sa nag mamaganda ang dyosa.. chos! lumapit siya kay g*ga at pinalipit ang braso nito. Hindi naman masakit yun eyh. Kahit itesting ko sayo, hindi talaga masakit. Peksman ulit..."
"M-masakit k-kay----"
"Hoy malds! wag kang epalers! hindi ikaw ang kausap ng DYOSA!!"singhal ko kay Andy. Epal kasi eyh. Baka gusto niyang kagatin ko siya? Joke! Ayaw ko nga, kahit bayaran niyo pa ko ng million, never. Mahawa pa ko ng kapangitan niya noh! Iwww..
"Itutuloy na ng dyosa ang kwento niya. So, pinilipit nga ng bida ang braso ng kontrabida dahil sa kamalditers nito. Pero hiniling naman ng kontrabida na bitawan siya at dahil nga maganda at mabait ang bida ay binitawan nga ang baba este g*ga.." sinamaan naman ako ng tingin ni Jess, sorry naman. Bwahahaha,