Chapter 38 : A Friend
P/N (Paepal Note) : Hi nga pala sa napaka dyosa kong friendlaluu~ @marjoriejanevilla, ayan na yung promise ko, dedicate. Salamat nga po pala kay @GirlWhoDareToDream na gumawa nung bagong cover, ganda vah? Yun lang, chamamat! HALABYUAL! :*
--------------------------
SEOHYUN's POV
Bago paman sumara ang elevator, ay nakita kong tinignan ako ni Andy at ngumisi at pinag patuloy nila ang pag hahalikan hanggang sa mag sara na ang pinto nun.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay naka tayo parin ako sa tapat ng elevetor, gusto ko mang humakbang palayo ay parang napako yung mga paa ko sa sahig na inaapakan ko.
"Miss, sasakay ka ba o hindi? Kasi nag mamadali ako." napabalikwas naman ako ng may marinig akong boses sa harapan ko. Isang lalaki na matangkad at gwapo, nasa loob na siya ng elevetor. Nilibot ko yung tingin ko sa loob ng elevetor. Wala na dun sa loob sina Andy.
Huminga muna ako ng malalim saka nag salita. "Sorry, may iniisip lang kasi ako." tipid niya lang akong nginitian saka ako pumasok sa loob ng elevetor. Pinindot niya yung 3rd floor, which is last floor.
Bago pa man sumarado yung pinto ay kinilick ko yung pang 2nd floor. Alam ko kasing duon yung restroom. Huminga muna ako ng malalim. Kinapa ko ang cellphone ko sa damit ko para sana i-check kung anong oras na, nang maalala kong nasa tokong ko nga pala iyon naka lagay at iba na ang suot kong damit ngayon, dala pa ni Sica unnie yung shopping bag. Teka, nandun ba yun? Wala naman akong naalala na nilagay ko yung cp ko sa tokong ko. Aish! Bka nandun lang yun.
Napalingon ako sa lalaking katabi ko ngayon, bumaba ang tingin ko sa braso niya at agad kong napansin ang suot niyang wrist clock. Huminga muna akong nang malalim bago siya kinausap. Mukha kasing sobrang sungit nya.
"A-ano.." hindi paman ako nakakatapos mag salita ay nilingon niya ako at nakataas ang kilay niya. Sht.
"What?" sobrang sungit naman nito!
"N-nothing." iniwas ko ang tingin ko sakanya at sakto namang bumukas ang pinto at nandito na sa 2nd floor. "Bye." hindi ko alam kung bakit pa ako nag bye sakanya, eh ang sungit sungit naman! Ahmp! Lumabas na ako ng elevator.
"Tss" rinig kong sagot niya at nung lumingon ako dito ay nakaangat ang isang sulok ng labi niya habang winahagayway ang hawak nito na kanina ko pa hinahanap. Aba't!
"Hoy!" sigaw ko, pero nag sara na yung pinto. Aish! paanong napunta sakanya yung cellphone ko?! Hawak ko ba yung kanina? Bat hindi ko manlang alam? Wala naman akong hawak kanina nung pumasok ako sa loob ng elevetor ha!
Agad kong pinag pipindot yung open bottom. Sht, bat ayaw bumukas! Nakakainis naman! Agad akong tumakbo papunta dun sa stairs at patakbong umakyat papuntang 3rd floor, alam kong dun ang punta nung snatcher na yun! Bat ganon? Ang gwapo niya, hindi halatang snatcher ang loko!
Hingal na hingal akong nakarating sa 3rd floor, agad akong pumunta sa tapat ng elevetor. Pero pag bukas nun, hindi na siya ang nasa loob. Isang matandang babaeng may kasamang batang lalaki. Aish! Ang bilis naman ata nun tumakbo! Ano ba yan! Duon naka lagay yung secret picture ko-- h-hoy! Hindi porn yun! At hindi rin ako defensive.
"Looking for this?" muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko yung nakakairita niyang boses. Agad akong lumingon sa likod ko at mabilis na hinablot yung phone ko pero agad niyang tinaas ang kamay niya. Gah! Bat ang tangkad niya? Naka heels na nga ako't lahat, mas mataas parin siya saakin. At dahil pabebe siya ay pilit ko yun inabot. Mahirap na, mamaya galawin niya pa yung phone ko wala pa namang password yun.