Chapter 49 : Engagement Party
- - - - - - - - - - - - - - - -
TAEYEON's POV
Nasa hotel room kami at kasalukuyang nag aayos para sa engagement party. Dalawang buwan na ang nakakalipas mag mula nung umalis si Seohyun sa bahay.
"Marunong ka bang mag make up, Jessica?" Nakangiting tanong ni Andy.
"Bakit?" Tanong ni Sica na busy pag plaplansya ng buhok.
"Papa-makeup sana ako, ako nalang kasi ang hindi nakaka makeup saating siyam." Mahinhing saad niya. Sa dalawang buwan namin siyang nakakasama maayos naman ang pakikisama niya saamin. Pero minsan tinatarayan namin siya pero nananahimik nalang siya.
"Mag intay ka kaya? Matatapos na makeup-an si Sunny." Umirap si Jessica.
"Ano kasi, twenty minutes nalang mag sisimula na ang event." Nakatungong sabi niya.
"Oo nga! Twenty minutes nalang pero wala pa si Seohyun! Ano ba naman kasing babaeng yan, ayaw mag reply. Nakapatay pa ang cellphone. Nasaan na ba yun?" Nag papanic na saad ni Yoona habang may pinag kakaabalahan sa cellphone, siguro ay tinetext si Seohyun.
"Hi..hindi pa ako na memakeup-an." Napalingon ako kay Andy. Hindi pa nga tapos ayusan si Sunny. Nakakainis naman kasi sila mommy, eh! Isa lang ba naman ang pinadalang makeup artist.
Napalingon kaming lahat sa pinto ng biglang bumukas iyon.
"Jusko! Saang planeta ka ba galing at ngayon ka lang nakarating? Diba ang sabi alas tres dapat nandito na sa hotel? Tignan mo nga hindi ka pa naayusan. Millisa, si Seohyun muna ang unahin mo." Hinila ni Tiffany si Seohyun sa upuan kaharap ng salamin at sinimulan ng makeup-an nung makeup artist.
"Ate Millisa, pwedeng ako muna ang unahin mo? Tutal ako naman ang mas importante sa event na 'to, hindi ba?" Sabi ni Andy. Napatikhim kaming lahat.
"Makakapag intay pa naman iyan. Si Seohyun muna ang unahin tutal nasisimulan na siyang makeup-an." Taas kilay na saad ni Hyoyeon.
"Pero mas na una ako! Hindi naman siya kailangang ayusan pa dahil hindi naman siya ang ie-engage!" Singhal ni Andy sabay tingin kay Seohyun.
Suminghap si Seohyun at agarang tumayo, "Mga unnie, tama naman si Andy. Tutal ayoko namang ayusan ako ng husto dahil hindi naman ako parte sa event na 'to. Ate, si Andy nalang ang ayusan niyo. Malapit ng mag simula ang event." Ngumiti siya at umupo sa kama. Tumingin siya saamin. "Mag bihis na kayo, Fifteen minutes nalang."
Pumunta na sa bathroom sina Yuri dala ang mga dresses nila. Nilapitan ko si Seohyun at umupo sa tabi niya.
"Sorry Taeyeon unnie. Nag pasama pa kasing mag mall si Yong Hwa, eh napasarap kami sa mall kaya nag arcade pa kami." Ngumiti ako.
"Okay lang yun. Teka, mukhang nag kakaigihan kayo nung Yong Hwa na yun, ha?" Nag iwas siya ng tingin.
"Friends lang kami."
"Sus, maniwala. Don't me, Seohyun. Nako! Dalaga na ang baby namin." Niyakap niya ako.
"Hindi kaya, baby niyo pa rin ako. Excited na ako sa kasal niyo. By the way, sabay sabay ba kayong ikakasal nila unnies?"
"Hindi ko alam. Pero promise mo, ha! Baby ka pa rin namin. Wag ka munang mag boboyfriend." Nag tawanan kami at humiwalay sa isa't-isa.