Yoona's POV
.
Madalas nag pupunta at bumibisita sila tita dito sa bahay para kamustahin at magpakwento lang samin. Hindi ko nga alam kung bakit puro nanay lang namin ang nag pupunta at hindi sila tito eyh. Pero sabi naman nila tita kasi daw busy daw sila. Tatlong beses sa isang linggo sila bumibisita, pero may pag kakataon ring araw-araw silang nagpupunta rito walang palya. Ewan ko ba kung pumupunta sila dito sa bahay para kamustahin kami o gusto lang nilang makalibre ng pagkain. Kasi kung minsan dadating sila saktong tanghalian namin o meryenda time na. Pero okay na yun kesa naaabutang nag babangayan kami dito, Divaaa?!
.
"Jagiya~! pwede pakisabay na tong mga damit ko sa paglalaba mo? Pleasseee?" sabi ko kay Sehun na kasalukuyan nag lalaba ng mga damit niya. Oo nandito kami sa may cr kasama si Taeng. Wag na kayong mag taka kung pano kami nag kasyang tatlo dito, malawak tong cr saka Wash day kasi namin ngayon. Gets niyo?
.
"Ano ka chix? Ikaw gagawa-gawa ng sarili mong Rule #2 tapos mag papalaba ka sakin?" Oo nga noh? Bakit ko ba naisip yung rule na yun? Nakakasar! >___<
"Ang sungit naman! Pero dati naman nung nag flying kiss saknya si Yoon todo kilig pa!" sigaw ni Taeng habang nag kukusot ng damit niya sa isang sulok.
"Tumigil ka nga dyan noona!" napaisip ako dun sa sinabi ni Taeng. Hahaha
.
"Jagiya~~~" sabi ko sabay akbay kay Sehun, pero dahil medyo matangkad siya lumiyad ako ng konte. Onti lang kasi matangkad rin ako noh! Saka dito kasi siya naglalaba sa may sink ng cr kaya nakatayo siya. Saka hindi namin magamit yung washing machine kasi sira. "Labhan mo rin yung mga damit ko kikisan kita" sabi ko saknya sabay wink. Napalingon naman siya. PUMAYAG KA MINSAN LANG AKO MAG-ALOK NG MAGANDANG PRIZZZEE!!!
"Kahit kalen ko naman gustuhin pwede kong gawin yun eyh, Tsk!" bulong niya sabay kusot ulit ng mga damit. Ano daw? Hindi ko nadinig!!
"Ano?! Ang hina naman ng bulong mo! Saka simpleng 'sige' lang naman ang dapat isagot dun o kaya 'sure' pero ang haba ng binulong mo. Laksan mo naman!" sabi kosaknya sabay alog ko saknya. Pero mahina lang mamaya mahilo yan eyh. Hihi
.
"May bulong bang malakas?!" kahit kelan epal talaga tong Taeng-Teng na toh! Sasagot pa sana ako ng biglang walang pakundangang pumasok sa loob ng cr tong si Baek habang hawak-hawak ang basket na puno ng damit. Seriously? nabuhat nya yun? At damit niya bang lahat yan? Wow! Congrats sakanya!
"Hyung bundok ba yan?" medyo natatawang sabi ni Sehun, ewan ko kung pinag tatawanan niya si Baek o naaawa siya dahil mabigat yun at napakarami niyang lalabhan. Kasi di maintindhan yung expression niya. Tsk!
.
"Dalwang linggo na kasi akong hindi nakaka pag laba kaya ayan" sabi niya ng maibaba niya na yung basket na puno ng laman na tila ba'y isang bundok..
"Wala eyh. Ganyan talaga ang tamad!" sagot ni Taeng sabay tayo at lumabas ng cr para pumunta ata ng kitchen.
.
Napatingin naman ko sa basket ko na puno ng marumihan, napatingin rin ako kay Sese na halos patapos na, naiingit naman ako :( . Kung tutuusin medyo marami lang naman tong lalabhan ko kesa sa lalabhan ni Baekhyun. Wala eyh tamad rin kasi ako. No choice naman ako noh! Saka kasalanan ko rin toh kasi hindi ako nag laba nung nakaraang linggo. Bubuhatin ko na sana yung basket ko na puno rin ng marumihan ng bigla yung binuhat ni Sehun.