Chapter 40 : Visitors
A/N: Wag po malito, iniba ko name ng mommy ni Chanyur, Channie to Charmy, papalitan ko rin yung name ng mga mommy's nila like Luhey to Lucy. Getching? Sorry, ngayon lang nagka ud pati brain cells ko nag sem break. Siguro naman kilala niyo na kung sino si Happy diba? Sus, obvious naman na si ano yun eh... Charr! Sorry sa typo and such.
Advance Happy Birth Day po, @GirlWhoDareToDream. LABLOZXS! Andy as Park Jiyeon. HOHOHO. ENJOY!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
SEOHYUN's POV
"Tss! Sabihin mo sa parents mo at kumbinsihin mo si mom na huwag ituloy yung ..... yung ano, yung arranged marriage." sabi niya at iniwas ang tingin saakin.
And with that, I realized something...
"Hindi ka man lang ba sasagot dyan? Tsk! Basta ipa-cancel mo yun, kahit anong mangyari. Ayaw kong mag pakasal sa taong hindi ko kilala." Hindi kilala? How could he! Yeah, kinalimutan na niya ako, kinalimutan na niya yung batang ako.
Before saying something, I took a deep breathe. "O-oo nga, bakit nga naman tayo mag papakasal sa, h-hindi nating k-kilala, diba?" napapikit ako ng maramdaman kong may lalabas na tubig mula sa mata ko. Jeez, ano ba! Chanyeol kahit maalala mo lang na naging kaibigan mo ako, kahit yun lang. Shit this.
"Tss, buti alam mo. Si Andy lang ang papakasalan ko at hindi sa kung kani-kanino lang. Mabuti naman at naintindihan mo, akala ko hahaba pa itong usapan natin eh. Basta, kumbinsihin mo yung parents mo. Pati na rin si mommy, para matapos na tong larong to. Thanks in advance."
I was there, dumbfounded. What a jerk! Tss, thanks in advance? Do he think I'll do his favor? Of course! But why the hell I'm crying in the first place? It's my choice. I don't know what to feel, it's either to be happy or what. Ugh! Fck this life!
"Hoy! Tulala ka dyan! Kakain ka ba o hindi? Sabihin mo lang, ako titira dyan sa pagkain mo." napatingin ako kay Taeyeon unnie. Nandito kaming lahat sa dining at kumakain ng tanghalian. Si Sunny unnie lang ang kulang, hindi ko alam sa nakalipas na isang linggo madalas na siyang hindi sumasabay saaming kumain. Kakain lang siya pag tapos na kaming lahat at sasabay lang siya saamin pag tulog si Xiumin or what.
Yeah, one week has passed since we talked about back-out and such. And it really freaks me out that I can't sleep every night because of Chanyeol and Andy. Yeah, I only know her name, not her whole story. But by the looks, she-- ugh! Nevermind.
"Paki abot yung kanin." malamig na utos ni Tiffany unnie, agad namang inabot ni Dyo sakanya. Sa lumipas na isang linggo hanggang ngayon, nag iba ang ugali nila. Si Tiffany unnie nagiging cold na at palaging binabara si Hyoyeon unnie kahit nag papatawa lang ito kaya sa huli hindi na nag sasalita si Hyo unnie. Si Sooyoung at Yoona naman minsan nalang kumibo, si Yuri unnie madalas naming napapansin na nahihilig kumain. Si Sunny unnie laging nag kukulong sa kwarto, ewan ko kung nakakapasok pa si Sooyoung unnie sa kwarto nila eh. Si Taeyeon at Sica unnie nalang ang nakakausap ko ng matino.
"Hay! Hindi ko na kaya to! Bat ba ang tahimik niyo? Infairness, hindi ako sanay." irap na sabi ni Chen saamin.
"Ano ba Jongdae! Wag ka ngang huminga, ang baho eh! Air pollution na nga sa kalsada, pati ba naman dito sa loob ng bahay? Ice yan! Mahiya ka naman, nakain tayo oh!" sabat naman ni Baekhyun kaya binatukan naman siya ni Jongdae.