Chapter 45 : Leaving ...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
SEOHYUN's POV
"Oh! Seobaby, mag babakasyon ka?" ngiti lang ang sinagot ko kay Yoona unnie. Nandito lahat ang mga unnies ko sa kwarto namin ni Taeyeon unnie.
"Mag babakasyon ka? Saan? Sama ako! Papa-tan ako!" natawa naman silang lahat sa sinabi ni Yuri unnie.
"Haynako Yul, tan ka na. Ano pa bang gusto mo?Gusto mo talagang kitang kita ka eh noh?" pangangasar ni Hyoyeon unnie sakaniya. Napangiti ako sa pag aasaran nila.
"Wow, hiya ako sa kulay mo Hyo, eh! Puti mo! Ikaw na!" nag pout si Yuri unnie kaya napatawa ulit kami. Ang cute kasi ni unnie, hindi bagay sakaniya yung pout.
"Kumpara sayo, maputi talaga ako." pag maaang ni Hoyeon unnie.
"Maputi? Sino?" map along on kami kay ns palang sa kwarto namin, kasama niya pala sina Baekhyun, Sehun, Kris, at Suho.
"Bakit kayo nandito?! Hindi manlang kayo marunong kumatok!" reklamo ni Yoona unnie.
"Masama? Kwarto ko, bakit?!" tinaas pa ni Baekhyun ang mukha niya at parang hinahamon si Yoona unnie.
"Hoy! Wag mo nga itutok yang baba mo kay Yoona! Mamaya matusok siya! Mamatay pa si Yoona babes! Wag ka nga!" medyo tinulak ni Taeyeon unnie si Baek.
"Makapag salita ka naman, hindi naman mahaba ang baba ko katulad nila Kris at Jess-" natigilan si Baekhyun ng makitang nakaabang ang masamang tingin sakaniya ni Sica unnie. "At.. at ni Jessie J." saka siya tumawa. Napangiti nalang ako. Mami-miss ko mga kakulitan nila.
"Oh, Seo saan ka pupunta?" tanong ni Sehun. Sinarado ko na ang maleta ko. Timingin ako sakanila at bakas sa mukha nila ang pag tataka, maliban kina Tiffany,Hyoyeon,Sica, at Taeyeon unnie na seryosong nakatingin saakin, isama mo na rin si Suho na nakatingin sa mga bag na inimpake ko. Nginitian ko silang lahat.
"I'm leaving..." nanlaki ang mata nila sa gulat.
"HA?! Bakit?" sabay-sabay na tanong nila.
"Seohyun, hindi ka naman namin pinapaalis, e. There is no reason to leave." seryosong sabi saakin ni Suho. Ngumiti ako sakaniya.
"No reason to stay is a good reason to go." Lumungkot naman ang mukha nila. Those guys are like family to me, I surely miss my unnies and now I leaving the house.
"A-akala ko ba, mag babakasyon ka lang? B-bakit ka aalis?" lumapit ako kay Yoona unnie ng makitang teary eye na siya, niyakap ko siya at ganon din siya. Lumapit yung iba ko pang unnies at nag group hug kami.
"Seobaby, b-bakit?" napangiti ako ng mapait sa tanong ni Sunny unnie, ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Buti nalang at yakap nila ako at hindi nila nakita.
"Kasi unnie, k-kailangan."
"Seohyun..." nag hiwalay na kami sa yakap at humarap ako kala Kris.
"Wag kayong mag-alala, bibisitahin ko naman kayo, e! Nami-miss ko na kasi sila Mommy at Daddy kaya gusto ko ng umuwi. Saka pupunta ako sa engagement party niyo, promise! Congrats, ha! Kris, sana pakisamahan mo nalang ang ugali ni Sica unnie, alam mo namang bipolar lagi si unnie, e." ngimiti saakin si Kris at ginulo ang buhok ko. "Baekhyun, wag mo ng aasarin si Taeyeon unnie, ha! Alam mo namang asar na asar sayo si unnie. Wag mo ng dagdagan ang inis niya sayo kung ayaw mong magalit siya although gusto mo siyang laging nagagalit. Sehun, mag bati na kayo ni Yoona unnie, ha? Wag kang gagawa ng isang bagay na alam mong ikaseselos niya. Maging masaya kayong lahat sa mariage life niyo! Excited na ako sa wedding day niyo. Haha, wag niyo munang bubuntisin mga unnie ko, ha!" ngumiti ako sakanilang lahat. Tumalikod ako pinunasan ko ang katutulong luha ko at kinuka na yung trolley at side bag ko. Humarap ako sa kanila ng may ngiti sa labi ko. Ayokong isipin nilang nasasaktan ako.