Chapter 44 : Liar
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
TIFFANY's POV
"Pwede ba tayong mag... mag-usap?" gulat ang expression nia ng harapin niya ako. Siguro, hindi niya ine-expect na kakausapin ko siya ulit..
Hindi ko na siya hinintay na mag salita at lumabas na ako ng kusina. Alam ko namang susunod sya, e.
"Hala! Saan pupunta sina Hyoyeon at Tiffany?" rinig kong tanong ni Yuri. Sinilip ko sila at kausap pala niya si Yoona.
"Tara, sundan natin. Baka mag suntukan." medyo natawa ako sa sinabi ni Yoona. Seriously?
"Hoy! Mga chismakers talaga kayo, 'noh? Hayaan n'yo nalang muna silang mag-usap. Ngayon na nga lang ulit sila nagpansinan, e." napatingin ako kay Sooyoung, kumindat lang siya saakin ng palihim. Siya lang kasi ang may alam ng kondisyon namin kaya siguro magpaasalamat ako na kahit chismosa siya minsan, pag alam niyang importante hindi niya ibabahagi sa iba. Nginitian ko lang siya at dumiretsyo na ako sa garden.
"Uhm, ah... ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong niya, umupo ako sa porch swing at tinap ang upuan para isenyas sakaniya na tabihan ako. Hindi na siya nag salita at tumabi na saakin. Enough space lang naman pero alam ko sa paraan ng pag usog niya palayo sa tabi ko, ay naiilang siya saakin.
"I'm sorry..." biglang nagka dead air sa pagitan namin at nag iwasan kami ng tingin sa isa't-isa. Alam ko naman na ako ang may mali, tama naman si Luhan eh. Sinisisi ko sa iba ang mga kasalanang nagawa ko.
"Alam mo, okay lang naman eh. Okay lang talaga. Okay lang na hindi ka naniwala saakin, okay lang rin na sinabihan mo ako ng masasama, okay lang na hinusgahan mo ako, okay lang rin na sinaktan mo ako. Sobrang okay lang talaga. Wala yun, kasi okay lang naman ang lahat, diba?" humarap siya saakin at ngumiti siya ng sobrang laki. Nanggigilid na ang luha ko.
"Hyoyeon naman, eh..."
"Alam mo, walang pupuntahan ang usapan na to." tumayo na siya pero hinigit ko ang braso niya para umupo ulit at hinila ko siya para mayakap. "Three parts... first part pala ang nagagawa mo." huminga muna ako ng malalim bago nag salita...
"Sorry! Sorry Hyoyeon. Sobrang sama ko, alam ko naman eh. Alam ko naman na kasalanan ko, sorry sobrang childish ko napaka immature ko kung mag-isip. Hindi ko inisip na baka nga hindi mo sinasadya yun, baka aksidente lang talaga yun. Sobrang tanga ko, sorry talaga. Sinisisi ko sayo lahat ng kasalanan ko. Sorry, sobrang sama kong kaibigan sayo... sainyo. Yeah, I know it's my fault. You know I'm not perfect, I make mistakes, I hurt people but when i say sorry, I actually mean it. I want to apologize for being careless and hurting your feelings. Just please forgive me, your friendship means a lot to me." naramdaman kong yumakap na rin siya saakin kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakaniya.
"Apology accepted!" pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "And the last part is?" kumawala na ako sa yakap namin.