FW 37 : Attention?

2.3K 99 23
                                    

Ps : Ang saya pala mag ulit ng pag susulat noh? Na-delete ko kasi eh, ang saya lang. Party tayo guyth. 

Chapter 37 : Attention

SEOHYUN's POV

"Unnie, saan ba talaga tayo pupunta?" kasalukuyan kong katabi si Sica unnie dito sa cab naming pinarahan--este siya pala nag para. Nagalit pa nga saakin kanina eh, pinag pipilitan ko kasing mag jeep o di kaya mag bus nalang kami kasi mas mura. Pero sabi niya ayaw niya, edi sige.

"Isa pang tanong ibababa kita." tinikom ko nalang yung bibig ko at pinag masdan nalang ulit yung damit ko. Aish! Nakakainis kasi eh, hindi niya manlang ako pinag palit. Eh, ano bang itsura ko ngayon? Naka plain t-shirt, tokong na maong, tsinelas, isama mo pa yung naka puyod kong buhok na hindi malaman kung bakit ang gulo. Eh siya, anong suot niya? Light blue checkered at naka blue skinny jeans denim pa siya, isama mo pa yung red shoes niya na bumagay sa red bag niya. Tsk! Edi sige, siya na.

"Manong, dito nalang po. Thanks." sabi ni unnie dun sa driver at inabot na niya yung bayad. Pagkababa ni unnie ay bumaba na rin ako. At ganoon nalang ang pagka nganga ko, what the!

"M-mall? Unnie sa mall tayo pupunta? Se-seryoso ka?" tanong ko sakanya.

"Seriously Seo? Bat parang gulat na gulat ka?" napalunok ako ng tarayan nanaman ako ni unnie, oh well. Lagi naman akong tinatarayan ni unnie eh. 

"Tignan mo naman yung suot ko oh! Unnie mukha akong pulubi! Eh ikaw, mukha kang sosyal! Mag mumukha akong maid!" para akong bata na nag mamaktol sa nanay niya.

"Seo Joo Hyun, kahit idamit mo pa ang pinaka mahal na damit sa mundo at kahit mag suot ka pa ng gold, hindi ka mag mumukhang sosyal katulad ko. Wag kang umasa, masasaktan ka lang. Sinasabi ko sayo." naka nguso nalang ako habang pinag mamasdan siyang nag lalakad na papunta sa entrance.

Minsan naiinis ako, kasi kung pakitunguhan niya ako parang ako ang pinaka tanga sa lahat. Pero pag sina Yoona at Yuri unnie ang kasama niya hindi naman siya ganyan ka maldita, saakin lang siya salbahe. Minsan tuloy naiingit ako sakanila. Haist.

"Hoy, wala ka bang balak pumasok? Halika na dito!" sigaw niya saakin, naglakad akong nakatungo, habang papasok ako sa entrance, damang dama ko ang mapanghusgang tingin sakin nung guard. Tsk! Nakakainis naman!

"Para kang tanga, kailangan nakatungo? Gusto mo ba talagang maka bangga ng tao? Sabihin mo lang itutulak na lang kita para maka bunggo ka ng mas madaming tao, mas madali pa yun." mataray na sagot niya saakin at inirapan ako. "Tara na nga." at hinila na ako ni unnie ng tuluyan.

Tumigil kami sa pag lalakad at tumapat sa isang shoe boutique. Hinila ako ni unnie papasok at may sumalubong saming sales lady. 

"Hello po Ms. Jung" nakangiting bati nung sales lady kay unnie, napataas naman ang kilay ko ng padaanan niya ako ng tingin mula head to toe. Umismid siya saakin at muling lumingon kay unnie ng may malaking ngiti, tse! Kala mo kagandahan, payaso naman! "I pi-pick up niyo na po ba yung pina order niyong shoes?" maarteng tanong nung sales lady kay Sica unnie.

"Ah, yeah. May I see first?" nakangiting tanong ni unnie. Seohy, bakit ka naiinggit dyan sa payasong sales lady na yan? Pinaplastic lang yan ni uunie! Aish! Bat ang sama sama ni unnie sakin, pero pag sa iba parang anghel siya! Unfair! Kila Yoong at Yul unnie ang sweet sweet niya pero sakin, kulang nalang murahin ako. Tss!

'Eh, kini-care ka naman ni Sica unnie diba? Remember, siya ang nag papagaling sa mga sugat mo. Pag naka tanga mode ka at nadadapa ka nuong bata ka. Bobo mo kasi!'

Gusto kong iuntog yung ulo ko, pati konsensya ko inaaway ako. Ganoon ba ako kasama at lahat ata inaaway ako. Eh, isa lang naman kaaway ko. Si Andy.

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon