Chapter 23 : Pride Yoong

5.2K 154 10
                                    

    Yuri's POV

Pag tapos ng bangayan sa status ni Yoona ay nag hihintay pa rin ako sa gag* -.- Bat ba ang tagal nun sa cr?! Subukan niya talagang manbabae, susuntukin ko siya hanggang malagutan siya ng hininga. Pwede ko namang palabasin na nakalimutan niyang huminga kaya nawalan ng buhay. Joke lang noh! Love na love ko kaya ang Toastie ko ♥ Alam niyo kung paano ko siya naging love? Secrettttttt ♥♥

Dahil bored na ko at nagugutom na rin ako ay bumili muna ako ng ice cream. Sabi kasi nung luku, pag balik daw niya mag dadate na kami -___- eyh nasan na siya. So nag lakad-lakad muna akech. Nag babakasakaling makita si Kai. Baka mamaya nag iikot na sila ng babae niya dito sa mall hindi ko naman alam, Devah?!

Haysss! Nasan na ba yung lalaking yun?! So dahil nga bored na ko ay dinukot ko yung phone ko at mag seselfie selfie muna akech. Tinapat ko yung phone ko sa mukha ko at saka dumila sa ice cream ko. Then ***click****

Huwawh! Ang ganda ko talaga. Tahahaha puti ko ata dito? Hindi naman ako nag retrica, 360 o what ever. Hahaha talaga nga naman pag dyosa oh-oh!! ♥

Habang tinititigan ko yung mukha ko sa screen ay may tumawag sakin kaya napalingon ako..

Napa ngiti naman ako, pero nawala rin kaagad ang ngiting yun... Lumapit sila sakin ng mag kaakbay.

"Kanina ka pa namin hinahanap dun sa boutique na pinag i-stayan mo kanina, wala ka dun" nakatingin lang ako sakanya habang siya naman ay nakangiti parin ng parang tanga

"Noona---" hindi ko pinatapos ang sinabi ni Dyo

"Jongin bakit kayo mag kasama?" seryosong tanong ko dito. Medyo napatawa naman siya

"Toasti----"

"Sasagot ka o bibitayin kita?" bantang tanong ko dito pero ang loko tumawa lang ng mahina

"Ano bang gusto mong sagot? Yung totoo o yung hindi kapani paniwala?" sinamaan ko ito ng tingin "Fine,fine... Nag kita kami sa cr ni Kyungsoo hyung kaya inaya ko siyang sumabay nalang sa lunchdate natin tutal wala naman siyang kasama..." napatingin naman ako kay Kyungsoo na nakatitig lang sa pag mumukha ni Kai -_____-

Hindi na ako sumagot at nauna ng mag lakad. Tinapon ko na lang sa basurahan yung ice cream dahil nawalan na ko ng gana sa kanilang dalwa.

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon