Chapter 51 : More than?

2.9K 128 74
                                    

Chapter 51 : More than...


- - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Taeyeon's POV


Napamulat ako ng may gumalaw sa tabi ko, nakita kong bumangon si Seohyun kaya napa bangon na rin ako, sumilip ako sa orasan.


"Bakit ka bumangon, Seo? Alas tres na, ha. Hindi ka ba makatulog?" Tanong ko habang nag kukusot ng mata.

"Oo, e. Mag papahangin lang muna ako sa labas." Ngumiti siya at maingat na nag lakad papuntang pintuan, sinundan ko siya. "Sasama ka, unnie?" Tanong niya, humikab ako at tumango. Bago ko pa maisarado ang pinto ay tinignan ko ang mga girls na tulog na tulog habang si Andy ay malapit ng mahulog sa kama dahil natutulak siya ni Yoona. Malas niya nasa dulo siya, e.


"May iniisip ka ba at hindi ka makatulog?" Tanong ko habang niyayakap ko ang sarili ko, ang lamig ng aircon at naka spaghetti strap lang ako. 

"Wala naman, unnie. Pero naalala ko lang yung mga sinabi saakin ni Mrs. Clarto." Ngumiti siya ng bahagya, tumigil ako kaya napa lingon siya saakin.


"Wag ka ngang makinig sa kaniya. Sino ba siya para sabihan kang desperada? Nanay lang siya ni Andy, no! Wala siyang alam sayo, o sa kahit anong pagkatao mo." Diretsyo lang ang tingin ko sa mata niya, bigla siyang nag iwas ng tingin at tumango.


"Alam ko naman yun unnie, e. Pero kahit na.." Bumagsak ang tingin niya sa lapag. "Tingin ba ng ibang tao, malandi ako? Hindi ko naman inaagaw si Chanyeol, ha?" 


"Wag mo nga silang paniwalaan. Kanino ka ba maniniwala, sa mga taong hindi mo kilala o saamin na buong buhay mo na kasama mo?" Tumaas ang kilay ko, pinag laruan niya ang daliri niya.

"Syempre sainyo, unnie." 

"Yun naman pala, e!" Sumakay na kami ng elevator pababa ng ground floor.


"Ah? Taekla!" Napalingon kami sa lobby, tumaas ang kilay ko at agad na pairap ng makitang patakbong lumapit saamin si Baekhyun. "Maaga pa, ha? Gising na agad kayo?" Ngiti niya.


"Bumaba lang kami ni Taeyeon unnie, mag papahangin lang kami sa labas." Mahinhin na sagot ni Seohyun, tumango si Baek. "E, ikaw bakit ka nandito sa lobby?"


"Hindi kami makatulog, e. Kaya niyaya ko si Chen at Xiumin hyung na kumain" Saad niya sabay turo kila Chen at Xiumin na nakaupo sa couch. Sinenyasan kami ni Chen na lumapit kaya nag lakad kami papunta sakanila.


"Ang aga ng breakfast niyo, ha." Naiiling na sabi ni Seohyun ng makalapit kami.

"Scary nga, e. Alas dos kami kumain at alas tres kami nakabalik ng hotel. Buti wala kaming nakasalubong." Halakhak ni Chen, kumunot ang noo ko.


"Nakasalubong na ano?" Tanong ni Seo.


"Multo."


"Ha? Bakit naman kayo makakasalubong ng multo?" Tanong ni Seo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon