Chapter 30 : Date?!

3K 103 8
                                    

Chapter 30 : DATE?!

- - - - - - - - - - - - - - - -

SEHUN's POV

"Hyung, saan ka ba pupunta?" tanong ko kay Kris hyung na kanina pa lakad ng lakad habang ako naman ay sunod ng sunod sakanya.

"Bakit ka ba kasi sunod ng sunod?" kita mo to, tinanong ko tapos tatanungin rin ako.

"Tsk, halika na nga. Baka hinahanap na tayo nila Xiumin at Luhan hyung.." sabi ko at naunang mag lakad, kanina pa kasi kami paikot-ikot dito habang nag titingin ng mga furnitures dito sa loob ng mall.

"Naasan na ba sila?" tanong niya ng maka punta na kami sa may entrance ng shop na to. Eh nasan na nga ba sila? "Text mo nga sina Xiumin, sabihin mo nandito tayo sa may bandang entrance ng shop na to. Sabihin mo puntahan tayo dito, baka kung saan-saan pa yung mga yun pumunta eh. Iniwan lang tayo dito." utos nito sakin at inikot ang paningin sa buong shop.

"Bakit ako? Ikaw nalang mag text." balik na utos ko sakanya

"Walang akong load." simpleng sagot niya habang iniikot pa rin ang paningin, nag babaka sakaling makita ata sina Sunny noona.

"Edi mag pa-load ka."

"Aish! Wala yung cellphone ko, naiwan ko. Nasa kwarto ko, nakatago sa drawer." nakakunot noong sabi nito sakin. Tsk. HB masyado

"Fine.." walang ganang sagot ko at nilabas sa bulsa ko yung phone ko.

To : Lulu-hyung

Hyung, nasan na ba kayo? Nag kahiwalay-hiwalay ata tayo. Nandito kami sa may entrance, puntahan niyo kami dito ni Kris hyung. Kung hindi, uuwi na lang kami. Bahala kayo!

-Send

Pinorward ko rin kay Xumin hyung yung text ko kay Lulu, wala naman akong number nina Sunny at Tiffany noona eh.

"Na-text mo na?" tanong niya kaya tumango ako, "Nag-reply na ba sila?" tanong niya ulit kaya tinignan ko siya.

"Kaka-text ko lang diba? Mag rereply ba agad yung mga yun? Saka may narinig ka bang tumunog sa cellphone ko na may nag reply na nga?" sagot ko dito, bigla naman itong ngumisi.

"Malay ko ba kung naka silent yang cellphone mo. Saka highblood ka ata ngayon? Meron ka ba ngayon? Ha" pangungulit nito, tsk! Moody nito. Kanina patahi-tahimik pa at pa-senti-senti, ngayon parang unggoy na nangungulit.

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon