FW 32 : Kiss You (pt.1)

4.3K 136 20
                                    

Chapter 32: Kiss you



- - - - - - - - - - - - - - - - - - -


SOOYOUNG'sPOV



Nakatambay lang ako dito sa dining namin, kasama ko si Yoona kumakain lang siya ng cupcakes na gawa ni Kyung eomma. Katatapos lang naming mag tanghalian, snack lang.



"Hayaw mwo bha thalaga hitong hapcakes? hansharap ha eh!" sabay taas pa ng cupcakes na nilalamon niya. Kadiri talaga nitong si Yoong, kakain na nga lang wala pang ka poise-poise. Parang hindi babae eh! Buti pa 'ko, hindi na lamon. Punong-puno pa ng poise sa katawan! BWAHAHAHA. Ganda ko talaga.


"Uminom ka nga muna! Kadiri ka!" sabay abot ko ng juice saknya. Inirapan naman niya 'ko. Napakataray talaga nitong babaitang 'to!


Ininom niya naman yung inabot 'ko, muntik pang mabilaukan. Takaw talaga. Bigla namang bumukas yung pintuan, oo may pintuan yung kitchen namin. Nakita namin si Sica na palapit samin ni Yoong dito sa may lamesa.


"Oh! Soo, himala ata. Si Yoon lang ang lumalapa." sabay dampot niya ng chocolate cupcake.


"Maka lapa ka naman! Hindi naman ako ganon katakaw 'noh!"pag proprotesta ni Yoona saka dumampot nanaman ng panibagong cupcake. Napatingin naman ako sakanilang dalawa habang kumain, si Yoong lapa pa rin ang ginagawa. Si Sica naman kung kumain kala mo nag eendorse ng cupcake. Sus! Pa-chic pa 'tong babaysot na 'to-


"IM HERE! IM BACK! WELCOME TO ME!! BEBS!! WHERE NA YOU?! I'M ALREADY HERE NA!! YAHOO!" Muntik ng mabilaukan yung dalawa sa sigaw ng isang babaeng nanggagaling sa salas.


"I guess Eunji is back." mas lalong nabulunan si Yoona sa sinabi ni Sica. Agad naman kaming tumayo at pumunta sa sala, hindi nga kami nag kamali, nakita nga namin si Eunji na kayakap si.... Sehun


"I miss you bebs, Hmmm! Parang ilang taon tayong hindi nag kita. labslabs talaga kita. Ayt, pa-kiss nga!" sabi nito saka ni-kiss ni Eunji sa pisngi ni Sese. Napalingon kami kay Yoona na kasalukuyang naka busangot. Haynako


"Nice, watta scene." sabay irap ni Yoona saka lumapit sa dalawa. Nagulat kami ng pag hiwalayin niya si Sese at Eunji.


Mukha namang nagulat yung dalawa, nakangiti pa ng wagas si Yoong ng harapin yung dalawa.


"Nakauwi ka na pala, nasan Sina Sunny at Tiff unnie?" nakapameywang na tanong ni Yoong kay Sese. Wala ata siyang keber kay Eunji na Nakatingin lang sakanya.



[[ A/N: Ehem, hindi na nila naabutan sina Taeyeon at Seohyun na nag uusap kasi umakyat na silang dalawa para sundan ang XiuNy sa taas. So hindi nila nalitang nag-cry si Sunsun. YOU GETS? ]]




"Iniwan kasi nila kami ni Kris hyung sa may mall, iniwan nila kami kaya umuwi na lang ako." sagot ni Sehun kay Yoong pero Nakatingin lang siya kay Eunji. Si Eunji kasi nakatingin kay Yoona, si Yoona Nakatingin kay Sehun habang si Sese Nakatingin kay Eunji. Hindi nila kami tinitignan ni Sica.

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon