Chapter 43 : Slap

2.4K 119 33
                                    

Chapter 43 : Slap



Note : Madaming bad words, kung ayaw n'yo ng maraming bad words... free to leave. Charr! Sorry, tagal laging mag update ni author. Mamats! Lovelots! Mhua! 



- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

HYOYEON's POV

"Totoo ba yan?" Jusko! Hindi ata ako makapaniwala na pumayag na si tita Charmy sa relasyon nila Andy at ni Chanyeol. E, parang kanina lang tutol si tita Charmy sa dalawa, tapos ngayon...

Umiwas ng tingin si Seohyun at marahang tumango. "Hoy! Umayos ka, Joohyun! Anong pinag sasabi mong pumayag na si tita Charmy, eh bwisit na bwisit nga siya kay Andy, diba?" kunot noong tanong ni Taeyeon. Kahit ako rin e, nagtataka.

"Kaya nga! Hindi naman pwedeng mangyaring ikasal sila ni Andy. Hindi ako papayag! Hindi sila bagay!" maktol ni Baekhyun. Gagang to! Tinadyakan pa yung upuan ko! Bakit pa kasing pumwesto tong baklang to sa likod ko! Siya kaya pag dribin ko? Tutal siya naman ang lalaki saaming lahat.

"At kanino naman siya bagay, aber?" taas kilay na tanong ni Taeyeon. Kaya siguro umupo si Baekhyun sa likod ko para makatabi si Taenggo. Sus, galawang Baeky.

"Saaki—kay Seohyun malamang! Gagang to!" sagot naman ni Baek sabay irap. Napailing nalang ako at tumingin na ulit sa daan. Sinilip ko sila sa rear mirror at nakita kong nakatungo na si Seohyun.

"Hoy, tumigil nga kayo! Joohyun, may sinabi pa ba si tita Charmy sayo?" tanong naman ni Sooyoung na kasalukuyang katabi ko.

"Ah...ano, sinabi niya na kung pwedeng k-kumanta daw ako sa engagement party nila.."

"Tapos? Ano sinagot mo?" tanong ni Sooyoung.

"Don't tell me... pumayag ka?" kunot noong tanong ni Sica. Pero nag iwas lang ulit ng tingin si Seo saka marahang tumango.

"Gaga ka talaga! Bakit ka pa pumayag?" inis na sabi ni Baekhyun.

"Hoy Baek! Wag ka nga! Ano naman kung kumanta si Seohyun dun sa engagement eklavu nila? May issue ba?" takang tanong naman ni Taenggo

"Jusme Taeng! May issue? Oo! Duh?! Kasal nila Andy yun, so bakit naman siya kakanta, diba? Para na rin niyang sinabing masaya siya sa pagpapakasal nila, no?! Umayos nga kayo!" saway ni Yooa sabay batok kay Taeyeon.

"Aray! E, bakit ka namamatok? Niaano ba kita? Ano kung kumanta siya, edi ipakita niya dun sa Anlandy na yun na may talent siya, Oh diba? Ganda kaya ng voicey ni bibi Seo. Saka, mas magandang ipakita niyang wala siyang paki dun sa dalawang yun. Duh! Mag pakasal sila, so what? Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, noh! Hindi ka naman aso, Joohyun kaya wag kang maghahabol sa taong masamang tao." natahimik naman kaming lahat sa sinabi ni Taeyeon.




NAKARATING kaming lahat sa bahay ng walang imikan. Lumabas na sila ng sasakyan at nilagay ko na itong van sa garahe. Bumaba na ako at pumasok sa bahay.

"Hoy Luhan! Bakit umiiyak itong si Ppanyang?! Anong ginawa mo?" rinig kong bulyaw ni Taeyeon pag pasok ko. Lahat na pala sila nasa salas—maliban kay Sunny.

"Tss, wala akong ginagawa dyan. At hindi ko alam kung anong iniiyak n'yan." sagot ni Luhan at tuluyan ng umakyat sa taas. Nag lakad nalang ako papunta sa kusina, nag bukas ako ng ref at kumuha ng tubig. Habang umiinom ako, muntik ko ng mailuwa yung iniinom ko sa gulat ng may humawak sa braso ko. Pag lingon ko..

"Pwede ba tayong mag... mag-usap?"



SEOHYUN's POV



"Hala! Saan pupunta sina Hyoyeon at Tiffany?" tanong ni Yuri unnie.

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon