Chapter 50 : Talk
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nag lakad kami palayo sa pool, palayo kina unnie. Nilingon ko silang nag tatampisaw na sa pool, nahagip ng paningin ko si Andy na sinusundan kami ng tingin. Hindi ko nalang siya pinansin. Nakapasok kami sa loob at pumunta kami sa lobby.
"Ano ang pag uusapan natin?" Tinignan ko naman ang mga taong nag dadaan sa paligid.
"Tungkol... saatin." Automatic akong napalingon sakaniya, kunot noo.
"Ano naman ang tungkol saatin?" Nag taas ako ng kilay. Gusto ko nalang tumakbo pabalik dun sa pool at mag lublob sa tubig at hindi na umahon. Baka sa mga sasabihin niya ay umasa nanaman ako.
"Seohyun,"
"Chanyeol, hinahanap na tayo dun. Hindi ako nakapag paalam kina Taeyeon unnie. Wala naman palang kwenta 'tong pag uusapan natin, e." SInubukan kong tumalikod kasi hinigit niya ang braso ko para makaharap sakaniya.
"I'm sorry." Bumagsak ang tingin ko sa mga paa ko, hindi ko talaga siya kayang tignan. Simula kasi nung huling usap namin ay hindi na kami nag pansinan.
"Okay lang, congrats nga pala." Nag half smile ako. Hindi ko ata kaya ngumiti ng hanggang tenga ngayon.
"Sorry sa mga sinabi ko sayo nung nakaraang buwan. I didn't mean it." Sinubukan niyang iangat ang mukha ko nung hinawakan niya ang baba ko, pero niliyas ko ang mukha ko.
"Alam ko naman, e. Okay lang yun. Bumalik na tayo, baka hanapin na ako nila unnies." Medyo nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"I said some things that I didn't mean, and I didn't mean to hurt you. I'm so sorry." I didn't mean to fall in love with you, but I did. You didn't mean to hurt me, but you did. We both broke the rules, Happy.
"Sorry rin kung nasampal kita, hindi ko na kasi napigilan." Napakagat ako ng labi nang maalala ko ang araw na yun. Binawi ko na ang kamay kong hinahawakan niya.
"Kasalanan ko naman." Sinubukan kong mag angat ng tingin pero hindi ko talaga kaya. Sa halip na mata ang tignan ko, kilay nalang niya ang tinitigan ko.
"So I think we're okay?" Ngumiti ako sakaniya at nag lahad ng kamay. "Friends?" Ngumiti rin siya nakipag shake hands saakin.
"Pag pasensyahan mo na nga pala si Tita Aly kung may masasama siyang sinabi sayo kanina. Medyo hindi pa kasi magaling ang mama ni Andy pero pinilit pa rin niyang umattend kaya napasugod siya rito." Tumango nalang ako.
"Yun lang ba pag uusapan natin? Balik na tayo? Tara!" Hinila ko na siya pero ako naman ang hinila niya, napatingin ako sa kamay namin at nanlaki ang mata ko nang pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Nilingon ko siya, nakatitig lang siya sa mata ko.
"We're not together but no one is allowed to date you, okay? Please?" Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Binawi ko ang kamay ko. Hindi ko siya maintindihan!
"Ano bang sinasabi mo? Wala pwedeng makipag date saakin? At bakit naman, ha? Ano naman sayo kung makipag date ako?" Naguguluhan talaga ako sakaniya. Ang selfish naman niya, no! Siya mag papakasaya habang ako bawal mag saya? Unfair!
Nakita ko ang pag pikit niya ng mariin at ang pag hinga niya malalim. Nang nag mulat siya ay diresyo sa mata ko ang tingin niya. "Joonie." Tumaas lahat ng balahibo ko ng banggitin niya yun, para ring naging jelly ang mga binti ko.
Umiling ako sakaniya, "Hindi kita maintindihan." Tumungo siya at kinuha ulit ang mga kamay ko, pinag lalaruan niya ang mga daliri ko.
"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Joonie." Kinagat niya ang ibabang labi niya.