Jessica's POV
"Hindi nyo nako nakikilala? Ako to! Si Krystal!" kadiri naman si Taeng, nag si tuluan na yung tubig na ininum nya sa bibig niya. Pero teka lang, siya daw si Krystal? Sino yun? Saka wala akong kapatid xD Im the only one child. At wala na akong magiging kamukha maliban sa salamin.
"Krystal?!!" Ay kailangan sabay-sabay sila? Hindi naman sila masyadong nagulat? Ako nga dapat magulat na nalaman kong may kapatid ako eyh. Like Duh!
"Excuse ang huh. Wala kasi akong matandaan na may kapatid ako" mataray na sagot ko saka tumingin dun sa Krystal. Pero binatukan naman ako ng katabi kong si Yoona"Aray! Maka batok wagas?!" sinaaman ko siya ng tingin.
"Shunga! Kapatid mo yan! Tignan mo mag kamukha nga kayo oh!" sagot naman ni Yoona. Tumayo ako at hinila ko yung Krystal paharap saknila.
"Baka naman nag kakamali ka lang Ms. tignan mo nga mas mag kamukha kayo nitong ni Yoona. Baka naman siya ang kapatid mo at hindi ako. Ako lang kasi ang niluwa ng nanay ko na maganda dito sa mundo" sabi ko dun sa Krystal. Yung mga boys at pati yung kasama nitong Krystal ay nakatingin sakin. Well di nako mag tataka. Pinag nanasaan talaga ang gantong mukha. Bwahahahahahaha
"Wow overconfident! Alam naman nating ako ang crush ng bayan! Bwahahahaha" nahihibang nanaman tong si Hyoyeon -.-
"Libre ilusyon" bagot na sabi ni Yul. Napatingin naman kaming lahat kay Taeng na kanina pa tingin ng tingin kay Yul,Yoona at Krystal. Tuloy napapatingin rin kami dito sa tatlo.
"Wow! Yuri + Yoona = Krystal! Naks!" manghang sagot ni Taeng. Oo nga noh?!
"Kita mo na Ms? Hindi ako ang ate mo" sabi ko at umupo na ulit. Nakakainis kasi ang tagal ibigay ng order namin.
"Ikaw nga ate ko kulit! Ito oh" sabi niya at hinarap sakin yung picture na may hawak akong cute na bata. Oo nga naalala ko na. Hindi pala ako nag iisang maganda dito sa mundo. May kahati pla ako :(
Napatingin ako saknya. Oo nga naalala ko na. Bat hindi ko naalalang may kapatid pala ako? Saka pano ko pa maalala yun kung bata pa kami? -_- isip rin!
"Now you know" nakangiting sabi niya tapos ay umupo siya sa tabi ko. Tapos lumapit naman yung mga boys na nakaupo dun sa kabilang table.
"May kapatid ka pala Sica?" tanong sakin ni Kris
"Mga ate nga pala sino bayang mga kasama niyong lalaki?" tanong nito ni krystal saamin sabay turo kila Kris.
"Yan? Mga taga dala lang nang pinagshoppingan namin" sabi ni Ppanyang sabay kindat kay Luhan. Sus landi alert!
"Etchoss lang namin yan" sabi ni Taeng habang nilalaro yung kutsara. Halatang gutom na rin.
"Etchoss ka dyan. Kanina nga sa counter niayaw mong tignan ako ng mga babae dun at sinabi mo pang "Sorry rin kasi hindi ko siya basta friend. Fiancé ko siya" sabi ni Baek sabay tawa. Napatingin naman kami kay Taeng na nakayuko at halatang namumula. Psh!