W U' s P O V
.
Lumabas muna ako ng bahay para bumili ng maiiulam namin ngayong gabi. Sipag ko noh? Psh! ngayon lang to! boring kasi sa bahay eyh ang ingay pa ni Sunny kung maka pagreklamo. Pero kung ako talaga sya mag rereklamo rin ako, pano nakakauta yung puro PINK at puro PUSA ang nasa Tv. Ano nga bang tawag dun sa palabas na yun? Hell-? o Meow ? Ay basta!
.
At heto na nga ako sa tapat ng palengke. Oo dito ako bibili ng lutong ulam,hmmp masarap rin kaya dito try niyo. Saka utos rin yun ni Kyung na dito nalang kaya dahil sa mabait ang baba ko sinunod ko naman. Joke -.- ang bakla!
.
"Ate limang order nga nitong adobo niyo, saka anim na order na rin po ng menudo saka hmmm, ano pa ba--"
.
"Hayy! Alam mo kuyang pogi, ikaw ang pinaka pogi sa lahat ng pogi!!!" Eh?!
.
Bahagya kong sinuklayan ang buhok ko gamit ang daliri ko "Sabi ni Peter Pan, mag-isip daw ng magagandang bagay tapos makakalipad ka na.." tumingin muna ako saknya bago ulit mag salita "Eh bakit ganun,Iniisip kita.. Pero nahuhulog ako?" sabay wink
.
"Ayiieeee! Wag ka nga dyan! Ihhh naman ehh! Wag mo nga akong ligawan taken na ko. Baka mai-break ko ng wala sa oras yung boyfie ko!" sabi nya sabay hampas sa braso ko. Aba'y malanding toh! Wala ba sa dictionary niya na JOKE lang yun? Makahampas pa kala close kami! Saka may magiging ASAWA na ko. Di hamak na mas maganda at sexy yun saknya! At ano pa daw sabi? Siya liligawan ko? LILIGAWAN? kung siya lang naman ang liligawan ko, baka naipubura ko na ang LIGAW sa dictionary!
.
Pansin niyo mahilig ako sa Dictionary noh? Hahaha wala lang. Muli kong hinarap ang ambisyosang babaeng to. "Bakit sasagutin mo na ba ako? O Pagsisisihan mo in the future na di mo'ko sinagot?" sabi ko sabay kindat ulit. ini-ready niya ulit yung kamay na humampas yun sa maganda kong braso pero bago pa yun dumampi hinawakan ko na yun..
.
"You have two Options, be mine or make me yours. See I'm giving you two choices!" sabay wink ulit! Yan! ganyan pag POGI. Remember that! Yihh! gay!
.
"Nakakarami ka na ha! Di bali ibre-break ko na syuta ko mamaya. Here my numbers. So call me maybe!" Seriously? syuta? number(S) ? Ibang klaseng babae toh! May sariling dictionary.
.
Inabot niya sakin yung isang pirasong papel kung saan nakasulat yung mga number(s) niya. Nag dadalawang isip akong kunin yun, una baka maubos load niya, pangalawa baka hindi tanggapin ni Chen kung ibigay ko sakanya. Ayy alam ko na sasabihin ko nalang chix yung gustong makipag textmate saknya para may katext naman tong babae'ysot na toh! Tama! Ang gwapo mo talaga Wu fan! No.1
.
"Ayy nga pala kuyang pogi, yung order mo ba ita-take-out o dito ka kakain?" sabi niya with her beautiful eyes. Yuck!
.
"Ahh oo nga pala, oo ita-take-out ko" sabi ko sabay ngiti. Hindi yung sweet smile ko ha! nakalaan yun hindi sa tao kundi sa HAYOP! hayop sa GANDA! Naks! Kailangan yan, kailangang bumabanat minsan ang mga POGI para dag-dag points. In other words, dag-dag POGI-Points!
.
Nang maiibot niya na sakin yung order ko inabot ko na rin yung bayad ko.."Ayy naku kuys, wag na! Libre ko na yan lahat para sayo. Pero tandaan mo ha! hindi ako easy to get! Kahit pogi ka mag papaka hard to get pa ko" sabi niya sabay wink. Sineryoso niya talagang liligawan ko siya? Hindi niya ba alam na dahil ko siya binobola ay para mailibre ako nito? Hahaha Yow Men!