Sunny's POV
Nung lumabas sina Andy at Seohyun para mag-usap,parang akala mo may dumaang anghel sa harap namin na tila ba'y ang tahimik nang kapaligiran. Wala ni-isang nag babalak na mag salita at basagin ang katahimikan.
Pero sa mga sandaling ito hindi na mapakali ang pwet ko. Masama ang kutob ko eyh! may hindi magandang mangyayari. Tumayo ako at aakmang lalabas nang higitin ako pabalik ni Xiumin. Problema nito?
"Bakit ba?!" napasigaw na tuloy ako. Banaman hahawakan na nga lang braso ko, ang higpit pa! >.< wala naman ata siyang galit sakin.Huhu
Hindi siya umimik at binitawan na yung braso ko. Anyare dito? Bakit naging seryoso na siya? Kanina lang lakas mangasar sakin. Bipolar lang? Psh! -.-
Tinignan ko yung mga parents at nakatingin lang sila sa dalwang nag-uusap dun sa labas. Ay hindi ko napansin glass pala yung wall kaya kitang-kita yung labas.
Nakaupo lang sila habang nag-uusap. Parang ngang nag tatalo na eyh. Hindi namin sila marinig kasi malayo sila, nilingon ko yung mga kasamahan namin at nakatingin rin sila sa direksyon nila Seohyun at nung Andy. Pero bigla nalang tumayo si Seohyun at parang sumigaw? Tumayo narin yung Andy. Hindi namin alam kung nag-uusap lang ba sila o nag tatalo na.
Mga ilang minuto rin silang nag-uusap tapos bigla nalang nag lakad paalis yung Andy pero lumingon ulit kay Seohyun at may sinabi pa at tuluyan nang lumayas ang bruha. Naiwan lang si Seohyun na parang mag-iniisip. Pero maya-maya napatingin siya sa direksyon namin kaya kaming lahat na napaiba nang direksyon. Sabihin pa niya chismosa kami xP
Nang makapasok na ulit siya dito sa loob nang bahay, nag acting kaming lahat kasami ang parents na parang hindi siya nakita. Sina Baekhyun at Sehun pa nga nasipol lang eyh pati na rin si Taeng kaso trying hard. Kami naman nang katabi kong si hyoyeon ay nag lalaro nang saw-saw suka. Yung iba hindi ko alam yung ginagawa pero yung iba kunwari may pinag-uusapan. Pero bakit ba kami nag kukunwaring hindi namin sila nakita? Psh -.- Abnoy talaga sila. Pati rin pala ako.
"Chanyeol...pwede ba..tayong mag-usap?" medyo hingal pa niyang sabi. Kasi tumakbo siya papunta dito eyh. lahat rin kami ay napatingin kay Chanyeol at iniintay kung anong sasabihin.
"Asan na si Andy?" Sus! nakita mo naman siya umalis na. Psh!
"Pwede.ba.tayong.mag-usap?" dahan-dahan at kalmadong sabi ni Seohyun. Pero hinihingal parin siya. Unti lang
"Pwede bang ipag pabukas nalang yan? Kakausapin ko pa si Andy at nandito pa sina mama at tita" akmang maglalakad na siya palabas pero hinawakan lang siya ni Seo sa braso. Napaakbay nalang ako sa sofa. Para akong nanonood nang sine eyh! Kulang nalang pop corn -.- Tch!
"Pwede namang ipagpa bukas nalang ang usapan niyo ni Andy. DIBA?" binitawan na ni Seo yung braso ni Chan at tumalikod pero lumingon muna siya kay Chan "Sa kwarto nalang tayo mag-usap. Sundan mo nalang ako" seryoso niya sinabi at nag lakad na pataas. Ewan ko ba para akong natakot sa boses ni Seo. Sobrang seryoso eyh. Baka mamaya niyan sagot-sagutin nalang kami ni maknae. Huhu wag sana.