Chapter 48 : Party Time

2.3K 138 32
                                    

Chapter 48 : Party Time


- - - - - - - - - - - - - - - - - -

SOOYOUNG's POV


"O, anyare sa pisngi mo? Bakit namumula?" bungad na tanong ni Tao ng makapasok si Chanyeol dito sa bahay. 

"Oo nga, sinampal ka no? Yan kasi! Buti nga!" matawa tawang saad ni Yoona, siniko naman siya ni Jessica.

"Wala kang paki," seryosong sagot ni Chanyeol. Nagulat ako nang biglang tumingin saakin si Chanyeol. "Nasaan si Taeyeon noona?" nagulat ako sa tanong niya. Seryoso? Hinahanap niya si Taenggo? Bakit kaya?

"Anong kailangan mo sakaniya, Chanyeol?" agad na tanong ni Baek, tsk yun din ang tanong ko eh.

"May itatanong lang ako sakaniya," nilingon niya ulit ako. "Nasaan nga si noona?" aba, siya pa galit? Sasagutin ko sana siya ng pabalang ng mag salita si Jessica.

"Nasa taas." agad namag tumakbo pataas si Chanyeol.

"Ano kayang sasabihin niya kay Taeng?" tanong ni Yuri na nakatingin kay Chanyeol na tumatakbo sa hagdan.

"Sinong Taeng?" napalingon kami kay Yixing

"Si Taeyeon yun, Taeng for short." nakangiting sagot ni Hyo, napairap nalang kami.

"Ahh, si Taeyeon pala yun." tumatango tangong sagot ni Lay. Tsk, hindi nanaman naka inom ang isang to!

"Guys! Ready na yung tanghalian!" rinig naming sigaw ni Chen sa kusina, nag unahan namang pumunta sina Luhan at Tao sa kusina. Kawawang mga bata, mga gutom. Tatakbo na rin sana ako papuntang kusina ng tumunog ang phone ko. May nag text,


From : Seobibi

Sooyoung unnie, pwede mo bang dalhin dito sa bahay namin ang iba pang mga unnies? Please, asap makapunta kayo agad :)


Napakunot noo naman ako ng mabasa ang text ni Seohyun, pero tinawag ko na rin ang mga girls. "Girls, nag text saakin si Seobaby!" nagsilapitan naman sila agad. Pati yung ibang boys na nakarinig ay nakichismis saamin.

"Bakit? Ano daw sabi?" tanong ni Sunny.

"Oo nga, patingin. Dali!" inagaw saakin ni Yuri yung phone ko.

"Mygod! Wag mong sabihing nagpapasundo sa hospital? Oh no!" sabay sabay kaming napalingon kay Tiffany dahil sa OA niyang reaksyon.

"Grabe! Hindi naman ata, noona." saad ni Sehun.

"Guys, pinapapunta tayo ni Seohyun sa bahay nila." sabi saamin ni Yuri.

"Ayy, bakit kaya? May handa siguro?" sabat ni Yoona.

"Hindi! Bakit naman magpaahanda si Seohyun, diba? Tsk!" naiinis na komento ni Sunny.

"Welcome back party?" hindi siguradong sagot ni Yoona

"Baka naman may problema?" napalingon kami kay Kris, "Well, kaya siguro kayo pinapapunta kasi gusto niya ng masasabihan ng problema? Suggest lang." 

"Problema agad? Hindi naman siguro. Siguro nami-miss lang kayo, alam niyo na. Nasanay kasi siyang kasama kayo." nakangiting sagot ni Suho.

"Hays, miss ko na rin agad si Seohyun. Girls, let's go!" agaran naman kaming tumaas ng hagdan para mag palit at kumuha ng ilang damit. Siguro'y mag oover night kami dun. Sana lang ay wala si tita dun, baka hindi kami payagan. Dun na rin siguro kami kakain.

Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon