Chapter 35: Date or Hate
- - - - - - - - - - -
SUNNY's POV
Hindi ko alam kung saan kami napadpad, basta iniwan lang namin ni Xiumin yung kotse sa parking lot. Kasalukuyan akong naka blind fold, hindi ko alam kung bakit pero sabi sakin ni Xiumin may surprise daw siya. Tss, daming alam.
"Aray!" daing ko ng madapa ako. Ang sakit ng tuhod ko. Jeez, bakit ba kasi nag short ako? Malas naman 'oh!
"Di ka kasi nag iingat 'e" tinayo niya ako, nainis ako sa sinabi niya kaya tinanggal ko yung tali sa mata ko.
"Wow, ako pa yung di nag iingat. Sorry ha, naka piring kasi ako kaya di ko nakikita ang dinadaanan ko. Ikaw kaya piringan ko tapos itulak kita sa kalsada, tapos pag nasagasaan ka sasabihin kong di ka kasi nag iingat. Ano mararamdaman mo?!" iritang sagot ko sakanya saka ko siya inirapan. Red tide pa naman ako, bwisit nga 'e lakas ng flow.
Napakamot naman siya ng batok, narealize atang gaga ng sagot niya at sakin sinisi ang kagagawan nya. Kasalanan ko bang madapa? Nakapiring kaya ako tapos di pa siya nag abalang alalayan ako. Nakaka-gg lang.
"Sorry naman." sabi niya saka ako piniringan ulit.
This time hawak na niya yung braso ko, Tss nahiya pa. Pwede naman sa kamay ko nalang humawak.
"San ba kasi talaga tayo pupunta, malayo pa ba?" iritadong tanong ko sakanya. Nakakainis kasi, ang layo ng nilakad naman tapos meron pa ako ngayon. Gusto ko nang umupo 'noh, agos kasi ng agos. Mamaya mamalayan ko magiging kulay pula na tong suot kong short, sa dinami dami ko naman kasing short bakit puti pa ang sinuot ko. Hiniram ko kasi to kay Tiffachan. Hehe.
"Kakaalis pa nga lang natin sa parking lot. Malapit na, masyado ka naman excited." malapit? GAANO PA BA KALAPIT ANG PUPUNTAHAN NAMIN? SA ISA PANG KANTO? MYGAWD! Para na akong naihi, at ramdam ko na ring puno na ang pantapal ko.
"Dalhin mo nga muna ako sa may cr." utos ko sakanya.
"Mamaya na, nandito na tayo." at dahan dahan nyang tinanggal ang panyo sa mata ko.
Nagulat ako ng makitang nasa isang resto kami, pero puro waiter lang ang nandito. May kumakanta rin na banda dun sa harapan at may isang lamesa dun sa gitna. Ang romantic lang, pinag masdan ko ang paligid at puro kulay red at black ang mga gamit dito, may iilang kulay white. Ang dami ring roses dito na kulay pula at puti. Ang ganda, napagawi ang tingin ko sa itaas may mga nakasabit dito na parang kortina pero puro picture ko ang nakasabit don. What the..
"Nagustuhan mo ba?" napalingon ako kay Xiumin na hawak ang batok at nakatingin sa sahig. Nahihiya ba siya? Napangiti ako.
"Oo naman, pero saan mo nakuha itong mga picture 'ko?" napitingin ulit ako sa mga picture ko. May ilang kasama ko ang pamilya ko, may ilan ring kasama ko sina Taenggo, Sica, Tiffanyang, Hyo, Yul at yung tatlo pang maknae. Pero karamihan ay larawan ko ang nanduon. Napabaling naman ako ng tingin sa isang larawan na may isang batang lalaki at batang babae na mag kahawak ang kamay at may dalang siopao.