Chater 46 : Call

2K 139 47
                                    

Chapter 46 : Call


- - - - - - - - - - - - - - - - - - -


"Miss me, Seororo?"  Agad kong tinignan ang number na tumatawag. +6391920469** ang number, hindi naman siguro to si Kuya Ethan, nasa Thailand siya kaya panigurado iba na ang number niya. Nilagay ko ulit sa tenga ko ang phone ko.



"Sino po ito?" napatingin ako kay Yong Hwa ng kalbitin niya ako, hinimas niya ang tyan niya at nag sad face pa siya.



"Aww, bilis mo naman makalimot. Ganyan, eh. Nakakilala lang ng ibang kaibigan, kinalimutan na ang dating kaibigan." kumunot ang noo ko, sino ba to? "Ethan, ako si Ethan. Ang lalaking ubod ng gwapo at palihim na nag mamahal sa isang manhid na gaya mo." What the?!



"Sira!" napangiti ako ng marinig ko ang tawa niya.



"Sino yang mukhang tangang katabi mo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Ethan, Mygosh! Napatingin ako sa paligid. 



"Pinag sasabi mo?"



"Yung may suot na bag na kulay pink. Ang sweet niyo nga kanina eh. May paholding holding hands pa kayo, pauso kayo. Dapat na ba akong kabahan, Seororo?" seryoso, andito pa siya sa paligid? Kung oo, shocks! Gusto ko siyang sapukin.



"Oo! At kung nasaan ka man ngayon lumapit ka saaming hinayupak ka. Dahil kung hindi ipagpapalit kita sa lalaking katabi ko na may suot na pink bag!" Binabaan ko na siya, bahala siya. 



"Sino yung tumawag? Si Chanyeol?" napalingon ako kay Yong Hwa.



"Gagi, hindi noh! Asa pa." ngumisi siya pero nawala iyon ng mapatingin siya sa likod ko. Napalingon tuloy ako.



"Ako yung tumawag, may problema ba dun, brad?" Lumingon siya saakin. "Hindi mo manlang ba ako yayakapin o iki-kiss?" natawa ako ng ngumuso siya kaya hinila ko ang nguso niya. "Aray!"



"Ikiss mo mukha mo! Wag ka nga, akala ko ba nasa Thailand ka? Anyare? Naligaw?" 



"Sira! Umuwi ulit ako kasi... " Pata, pabitin talaga tong kupal na to.



"Kasi ano?"



"Hindi pa ako nakakaamin sa taong mahal ko," napataas ang kilay ko. "Seo, mahal kita."


Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon