Tiffa-chan's POV
"Her name is... Mrs. Xi" OMG
Napatingin ako sakanya at nag sisi ako dahil tumingin pa ako sakanya. Ang sama ng tingin niya sakin na akala mo lalamunin niya ako ng buo.
"Ohh-Kay?" nabalik ang tingin ko dito kay Ethan at palipat-lipat ang tingin niya saming dalawa.
Bumitaw na si Lulu sa pagkakahawak sa kamay ko, nanginginig na yung tuhod ko na feeling ko anytime pwede akong bumagsak sa lapag. Omg.
"Hmm, ako nga pala si Ethan Jerome Horvejkul. " Ehh? JEROME? Akala ko ba Ethan Buck Horvejkul ang name niya? ba't naging Jerome na yung Buck?
Napatingin naman ako kay Luhan ng titigan lang niya yung kamay ni Ethan na naka-taas para makipag shake-hands sakanya. Muli niyang tinignan ang napaka gwapun-- ehem, tinignan niya ulit si Ethan at walang anu-ano ay nag salita ito:
"May kailangan ka ba sa asawa ko?" OMO! I smell something fishie~ OhMayGasp! Red day ko ba ngayon? Nakupo! ano bang araw ngayon. Hanla! Whattodo!
"Ahmp, sorry. Nilapitan ko lang naman siya kasi parang nawawala siya sa loob ng mall--"
"So anong tingin mo sa kanya? Batang iniwan ng ina? Tss!" Mahina lang yung sabi ni Luhan pero may diin ito sa bawat bigkas nito. Ngiti lang ang ginanting sagot ni Ethan.
"Cool ka lang dre. Okay,okay. sorry na. I just want to help. " simpleng sagot ni Ethan
Handa na sana akong ibuka yung bibig ko para mag 'excuse' para pumuntang cr para i-check kung meron ngang redie-bloody sa aking panty, pero hindi na natuloy ng may biglang sumigaw sa may likuran namin.
"JEROME!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw. Teka, bat nadito tong babaeng toh?
"Andy? What are you doing here?" Watda!
"Armmp, don't you want to be with me, baby?" puno ng pag papa-cute ang boses ni Andy. Hindi niya ata napapansin na may kasama yang nilalandi niya.
"Of course not, baby.." Watdahell, baby? Mag jowa ba itong dalawang ito? Akala ko sila ni Chanyeol--
"Andy?! Mag kakilala kayo nitong Ethan na toh?" hindi naman masyadong halatang gulat si Luhan ano po?
"L-luhan?! Kaibigan ka ni Chanyeol. h-hindi ba?" kung kanina para siyang malanding pusa, ngayon para siyang pusang nakakita ng multo. Napataas ang kilay ko ng baligan niya ako ng tigin.
"Kilala mo sila, Andy?" nag tatakang tanong ni Ethan.