Chapter 42 : Trust

2.6K 119 24
                                    

Chapter 42 : Trust

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

JESSICA's POV

"Nakakainis!" biglang sigaw ni Taeyeon, anyare sa babaeng to?


"Ano nanamang problema mo?" inis ding tanong ni Baekhyun na kasalukuyang nakaupo sa sofa, lahat parin kami nandito sa living room. Maliban kina Seohyun at Chanyeol, saka rin pala si Lay na hinatid yung dalawang babae kasama sina tita Charmy, tita Karla, at yung nag mamagaling at maingay kong step mother. Tsk!


"Problema ko? Kayo!" lahat kami napatingin sakaniya. Napataas naman ang kilay ko. "Ano bang nangyayari sainyo? Simula nung nakaraang linggo, hindi na kayo nag papansinan at nag kikibuan. May problema ba?" seryosong tanong niya. Hays, nawala na nga ang maingay at mahilig manermon na step mom ko, si Taeng naman ang pumalit? Ice yan.


"Kung problema mo kami, problema ka din namin. Pwedeng manahimik ka nalang? Ingay mo eh! At saka, wala kang paki kung hindi sila mag kibuan. Ayos nga eh, walang maingay. Ikaw lang ang maingay, kaya pwede itikom mo yang magaling mong bibig? Kakairita!" sabat ni Baekhyun saka umirap.


"Hoy! Hindi ikaw ang kausap ko kaya kung pwede itikom mo rin yang retokada mong bibig? Kaimbyerna!" napasandal nalang ako sa couch. Hay! Sila ata ang may problemang dalawa. Bakit ba hindi sila mag kasundo?-sabagay, kami rin naman ni Kris e.


"Hoy ka rin! At sinong nag sabing retokada ang magaganda kong bibig? Masyado kang inggitera eh! Palibhasa inggit ka sa soft lips ko. E, yung iyo kasi dry lips! Yuks!" sabi naman ni Baek, sinamaan naman siya ng tingin ni Taeng kaya nag samaan sila ng tingin.

"Tumigil na nga kayo! Alam niyong may problema na, dadagdagan niyo pa." inis na sigaw ni Kris.


"Oo nga, hindi naman masusulunan niyan ang pag aaway niyo e, wala naman kasing kwenta pinag-aawayan pa." biglang sabi ni Hyoyeon saka tumingin kay Tiffany. Umirap lang si Ppanyang.


"Si Taeyeon kasi e! Kung hinayaan niya akong sundan si Sebaby, edi nalaman na natin kung nasaan na siya. Tignan niyo nga, anong oras na wala pa siya." inis ring sabat ni Sunny.


"Pag tapos niyong mag-away, mag sisisihan naman kayo? Manahimik nalang kaya kayo, pwede?" irap na sagot ni Kyungsoo.


"Sabi ko nga, tatahimik na..." yumuko si Baek at umacting na parang nasaktan sa sinabi ni D.O, Tss!


"So, ano na ang gagawin natin?" tanong ni Sooyoung.


"I-text natin si Seohyun o kaya tawagan." suggest ni Suho.


"Nasaakin ang phone niya, hindi niya na dala." sabi ni Yoona habang tinataas ang phone ni Seo.


"Intayin nalang natin siya dito, wag kayong masyadong problemado. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya. Sure naman na okay lang siya." sabi naman ni Sehun. Nagulat kami ng bigla siyang hinagisan ng unan si Yoong.


"Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin pwede manahimik ka nalang? Palibhasa kasi wala kang pakialam! Kahit may nasasaktan kang tao, wala kang paki basta maging ayos ka lang. Kahit na may fiancee ka na, nakikipaghalikan parin sa iba, kahit na may fiancee ka na lumalandi pa. Paano kung mapahamak si Soehyun, okay lang ganon? Wala ka kasing pakialam!" hindi ko alam kung anong pinag lalaban ni Yoona, kung yung pag seselos niya o yung kay Seohyun.


"Titigil ba kayo o hindi?! Sa tingin niyo ba talaga maayos tong problema kung ganyan kayo mag babatuhan ng mga salita? Pwede namang mag suggest nalang, diba?" sinamaan kaming lahat ng tingin ni Kyungsoo.


Forced Wedding (EXOShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon